MANANATILING LIHIM

in filipino-poetry •  last year 


original.jpg

photo source

Sa tuwing ika’y nakikita
Kakaibang saya ang nadarama
Matatamis mong ngiti
Mapupungay mong mata
Para bang nangungusap
sa puso ko'y may kurot na hindi mahinuha

Kahit di ko man aminin
Pilit ko mang itago
Ang tunay na nadarama
At tinitibok ng aking puso
Pangalan mo ang bukang-bibig
Larawan mo ay nakaukit sa dibdib

Kung paano ko masasabi
Na ikay minamahal
Na sa tuwing ika'y kausap
Ako’y tulala at nauutal-utal
Ako’y nauunahan ng takot at kaba
Kung anong kasugutan sa tanong kong “baka?”

Baka, hindi ako o
Baka, hindi tayo
Laging nasa aking isipan
Sa sitwasyong ganito
Isang palatandaan ng pag-aalinlangan
Na baka hindi ako ang tipong iyong magugustuhan

Oo nga’t mali na ikaw ay pangunahan
Sapagkat di ko alam kung
Ano ang nasa iyong isipan
Ngunit masasabi mo rin bang
Mali ako, kung aking paghandaan
Ang iyong magiging desisyon at ang kahihinatnan

Pero mas pinili kong ilihim na lamang
Ibaling sa iba at tuluyang kalimutan
Ako’y di para sa iyo at
Ikaw ay di para sa akin
Dahil kung tayo man ay para sa isa’t-isa
Panahon ang may alam at tadhana ang magdadala

Ako muna’y magpapaalam sa iyo sandali
Ako’y aalis taglay ang pabaon mong ngiti
Ako’y natutuwa nang ika’y makilala
Di ko malilimutan magaganda mong ala-ala
Paalam na sinta ko
Hanggang sa muli nating pagkikita

SALAMAT SA PANAHON,,, NAWA'Y INYONG NAGUSTUHAN

WAG KALIMUTAN:
DON'T FORGET:

To vote my witness, simply visit https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" into the first search box for witnesses or simply click Here to do it on one click!
If you want me to make witness voting decisions on your behalf, simply visit https://steemit.com/~witnesses and type in "surpassinggoogle" in the second box for proxy

giphy (2).gif

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

One sided Love. :(
Is this a true to life poem? Based on your own experience?

yes,,, it may be one sided but its better to keep it that way,, :)

I can feel how strong you are :) Kaya mo yan! ♥

hehehe,,, matagal na yan,,, sa ngayon parang naka move on na ako na parang hindi hehehe... hello :)

nagkita na ba kayo ulit?

di na mangyayari yun :),,, at kung magkita man ako lang din ang makakakilala sa kanya :)

bakit naman? Hindi ka ba nya kilala?

kilala naman pero sa tagal na ng lumipas na panahon nakalimutan na ako nun 😊😊😊

thanks by the way :)

gugma @myruss na ikaw lang ang nakabalo cxa wala😢

hahaha,,, murag ana na jud hahaha

Hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan. :)

hahaha,,, di na pwede eh,,, di ka na avialable hahaha

Baliw hahaha! but seriously, you should at least tell her.

It doesn't matter if you get rejected, what important is you can finally have your peace of mind.

hahaha,,, nilagyan ko na ng r.i.p ang puso ko hahaha


thanks for posting steemitdavao tags,

Upvoted and resteem your post

From your steemitdavao family

steemitdavao bot.png

Ayos lang iyan. Makakahanap ka din ng taong paglalaanan mo ng iyong pag-ibig at pagtingin at sana sa pagkakataong iyon ay di na siya ma torpe.

Subukan niya para kanyang malaman.

Salamat po sa paglikha ng Tagalog na tula.

oo nga ehh sana nga hehehe,, salamat din sa pagtangkilik ng aking mga gawa :),, mabuhay po kayo