filipino-poetry

image

"BUHAY MANGINGISDA"

Maalon nanaman ang dagat.
Dala ng hanging habagat.
Ang mumunting bangka,
Ay hindi muna pwede mangisda.

Wala nanamang huli si tatay.
Paano na ang hanapbuhay.
May mga anak sya'ng nag-aantay.
Wala pa naman sya'ng kaagapay.

Buhay mangingisda ay pabagobago.
Lalo na't meroon'g delubyo.
Kapag kabilugan naman ng buwan.
Ang isda ay nagtatagoan.

Kung sa dalampasigan ka naman mamingwit.
Maliit lang na isda ang naaakit.
Kung pana naman ang iyong gamit.
Minsan ay walang isdang mabitbit.

Kapag gamit naman ay lambat.
Ang huli ay hindi sapat.
Iilang tao kasi ang maghahati.
Kahit ang isda ay hindi marami.

Masagana man o hindi.
Kailangan 'wag mag atubili.
Darating din ang panahon.
Sa buhay huhupa ang alon.

salamat sa pagbasa. image

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.15
JST 0.028
BTC 61940.19
ETH 2433.78
USDT 1.00
SBD 2.50