filipino-poetry

in #filipino-poetry6 years ago (edited)

33149384_1727072910713237_8367282808770527232_n-2.jpg

larawan ay galing kay @flabbergast-art

"GABAYAN"

Sa mundo ng kabataan.
Lahat naghahanap ng kasiyahan.
Pag-iisip nila ay maging malaya.
May makain man o wala.

Sa ignorante nilang imahinasyon.
Pwedeng mangyari lahat ngayon.
Kaya sa kanilang paglalakbay.
Dapat kailangan mayroong gabay.

Maiging sa kabataan umpisahan.
Ngunit hindi lakad sa paligsahan.
Bagkos lakad ng may pag-asa.
Para hindi sila matibag basta.

Ituro sa kanila ang kahalagahan.
Ng may bagay na pinagsisikapan.
Kaya't huwag iwan at sila'y gabayan.
Upang hindi mapunta sa karimlan.

33430103_1727072774046584_5987431491502604288_n-2.jpg
kuha sa artshop ni @flabbergast-art

Libangin sila sa sariling talento.
Pagmasdan sa kanilang gusto.
Pagsabihan kung anong kailangan.
Hubogin mo ang taglay nilang kakayahan.

Sa kaunti nilang nalalaman.
Maging sa paglaki ay hindi makalimutan.
Tumawa ka dahil sa tawa nila.
Ang nagawa mo'y kakaiba.

Kaya ngayon sa paglakad mo.
Ang pag-asa ay nakatatak sa 'yong puso.
Huwag mo lang itong bitawan.
Hindi ka nag-iisa sa paroroonan.

Salamat sa pagbasa at salamat kay @immarojas sa pag payag na kunin ko mga larawan nila at gamitin ang linya nilang @walkofhope.

Sort:  

Kuya...all images were from @flabbergast-art. Cheers.

sorry po, eedit ko nalang.hehe

I gave you an upvote on your post! Please give me a follow and I will give you a follow in return and possible future votes!

Thank you in advance!

talentadong pinoy :-)

haha salamat, kaso wala akong picture masyado kaya nahihirapan akong gumawa minsan.

Coin Marketplace

STEEM 0.16
TRX 0.13
JST 0.027
BTC 59634.64
ETH 2590.21
USDT 1.00
SBD 2.47