filipino-poetry

silhouettes-68153_1920.jpg
photo credit: https://pixabay.com

"DALAGANG INA"

Kung husgahan ka nila,
Akala nila ika'y kilala.
Masama bang maging masaya?
Bumuo ng maayos na pamilya?

Ano bang alam nila sa buhay mo.
Bakit sinasaktan ang iyong pagkatao.
Nagsusumikap kang mag-isa.
Binuhay ang anak mong hindi sila inaabala.

'Wag kang umiyak sa mga salita nila.
Iwan mo ang lalakeng walang ibang ginawa.
At nagpapatinag sa bulong ng pamilya.
Doon ka sa ipagsigawan kung ano ka.

Oo may anak kana nga,
Ngunit dapat ba itong ika bahala?
Hindi naman to palatandaan na disgrasyada.
Nagmahal ka lang ng walang isang salita.

Tumahan kana at wag silang pansinin.
Hayaan mong mga salita nila'y palampasin.
Ipakita mong bukod tangi ka.
At patunayan mong mali sila.

Salamat sa pagbasa, hango ito sa tunay na storya.

Sort:  
Hello.😊

Ako po'y nadala sa magandang mensahe. Tama isa akong dalagang ina at wala silang pakelam at alam :D ... Salamat po Ginoo sa tulang kumurot sa puso.. hanggang sa muli!

Congratulations @mrnightmare89, your post has been featured at Best of PH Daily Featured Posts.

You may check the post here.

@cheche016 here


About @BestOfPH

We are a curation initiative that is driven to promote Filipino authors who
are producing quality and share-worthy contents on Steemit.


See Curation/Delegation Incentive Scheme here. Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

Follow our trail and vote for curated Pinoy authors. If you are a SteemAuto user, @bestofph is an available trail to follow.

If you want to be part of the community, join us on Discord

maraming salamat

Napakagandang tula kababayan!

maraming salamat po

Coin Marketplace

STEEM 0.16
TRX 0.16
JST 0.030
BTC 57326.97
ETH 2428.61
USDT 1.00
SBD 2.32