Filipino Poetry #1 : Nagmahal pero Sinaktan

in filipino-poetry •  last year  (edited)

poem.jpeg
(image source:Pinterest :manga girl sad image on We Heart It)

Nagmahal pero Sinaktan

Nagmahal sa taong siya lamang ang bukod tanging minahal,
Ngunit isang pagsubok ang dumating, pati paglimot
Ang hirap gawin.

Isang iglap ikay nawala sakin
Magkasama nga tayo pero puso at isip mo wala sakin
Nahuli ko kayo, ang sabi mo “Magkaibigan lang kayo”
Pero akoy huli na “MAY KAYO NA PALA”

Kaya ngayon hinagpis ko’y hindi pinansin,
Dahil ikay nahumaling sa bago mong kapiling
Ang sabi mo sakin ako ang mahal mo,
Yun pala ako ang baby 1 mo at siya ang baby 2 mo,

Salamat sa sakit na pinaranas
Alam ko kahibangan mo sa kanya’y panandalian lamang
Pero Tanging Hiling ko sayo,

Ngayon lang mahal ko, Ipaglaban mo naman ako.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Napakasakit ng mga pangyayari sa kwentong tula na iyong ginawa @mhickay21. Pinapakita na ang nagsasalita ay nagmamakaawa upang ipaglaban ng kanyang minamahal ang kanilang pagmamahalan.

Ngunit ang maipapayo ko sa kanya kung ito man ay base sa totoong pangyayari ay sana'y tapusin na niya ang kanyang nararamdaman. Ang buhay natin sa mundo ay napakaikli lamang at mas iikli pa ito kung gugugulin natin ang oras sa paghabol sa mga taong hindi tayo mahal.

Alam kong ang Panginoon, pamilya, kaibigan natin ay palaging magiging nandiyan upang mag-alay ng pagmamahal. At ako ay nananalig na mayroon Siyang itinadhana para sa ating lahat: sa tamang panahon.

·

salamat sa pag appreciate @morken and opo hango po ito sa totoong buhay, first time ko lang po gumawa ng ganito galing sa damdaming nasasaktan. ewan ko nga po sa sarili ko kung bakit nakakaya ko parin lahat ng mga nangyari.

·
·

Nakakaya mo dahil alam ng Panginoon na kaya mo. Binibigay niya ang mga karanasan o pait sa ating buhay upang magsilbing instrumento sa atin na tayo ay matuto. Alam kong pagkatapos ng nga dagok na iyong nararanasay, makikita mo rin ang nakalaan para sa iyong buhay :-)

·
·
·

wow.. napaka makata nyo po.. ang lalim ng mga words sana may ganyan akong isip sa mga tamang words na gagamitin isa lang kasi ang alam ko ang mahalin siya at hindi siya sasaktan kaya eto ako ngayon nagdurusa pero patuloy parin siyang minamahal

·
·
·
·

Maraming salamat sa iyong pagpuri.

Tama lang na magmahal ngunit kung ito'y nagpapasakit na sa iyon araw-araw iyan na ay katangahan.

☺️

·

Congratulations! Your submission earned you 0.060 SBD from this bounty. You have received 0.040 SBD from the creator of the bounty and 0.020 SBD from the community!

Yun pala ako ang baby 1 mo at siya nag baby 2 mo,

Ang tanong ilan ba talaga ang Baby nya? Kasi baka naman may ampunan na pala siya di natin namamalayan.


Hehe, malinaw ang mensahe ng tula kaunting linis lang po ng kaunting kaunti lang all good na po siya.

·

hahaha. ewan ko nga po eh baka nga po ang dami namin di ko lang nahuli yung iba. hahah thank you po first time ko pong gumawa ng tula nakakagawa ka pala pag galing sa damdamin.

·
·

Gawa ka pa ng maraming ganito. Ibuhos mo lahat ng galit mo sa taong nagsabi sa iyo ng baby. Nakapag release ka na ng sama ng loob may tsansa ka pang kumita kahit papaano.

Ang siste sya lang ang masaya wag ganun. WALANG POREBER!!!!


Ooops nadala ako ng aking damdamin hahaha

·
·
·

hahaha.. kaya nga eh dito ko lang naiibuhos lahat dahil di nya alam na nakapag sulat ako ng ganito dito. haha all i want lang naman is mahalin ako na ako lang yung trust kasi nawawala kasi parati nalang nabibreak. pero ang masaklap patuloy ko parin siyang minamahal

·

Congratulations! Your submission earned you 0.040 SBD from this bounty. You have received 0.040 SBD from the creator of the bounty and 0.000 SBD from the community!

A bounty of 0.100 SBD has been set on this post by @mhickay21! You can read how they work here.

Naku sakit naman yan may baby 1, at 2 pala. sana wala ng 3 pa hehehe. buti may kayo na pala.. madalas ang sagot sakin walan tayo. hehehe
salamat @mhickay21 sa pag share sa iyong tula.

·

hahaha salamat @fherdz .. madaming baby kami sa buhay nya yun nga lang hindi sabay sabay, ang hirap din sa may sila na parang ako ang naging kabit sa relasyon nila 💔😔🙏

sakit niyan besh wag kapo mag alala makakahanap karin nang baby 1 lang sapat na..

·

thank you @josephbuarao .. masakit talaga lalo na naging sila. :(

wew. Ang sakit besh. 😭😭😭

Kung ito man ay nangyari sa buhy mo, iwanan mo na yan, wag mo ng balikan. cheater is a cheater!!! 😡😡

#relate

·
  ·  last year (edited)

@purepinoy opo sa totoong buhay po talaga.. ang sakit lang po na ang sweet nya sakin yun pala may ibang girlfriend din na inaalagaan ang loko.