PAALAM NA : ISANG TULA

image
Photo Credit

Mag-isa ako ngayon,
Oo ako yan.
Matagal nang ako yan.
Makalipas ang dalawang buwan,
Ako ulit yan. Ako pa rin yan.

Hindi ko akalain
Na doon na lang pala ang dulo,
Matatapos ang lahat
Sa mga pangarap nating sabay hinangad
Ngunit bigla mo na lang ding hinangad
Ang kalayaan mong matagal mo na pa lang pinapangarap.

Tinanong ang sarili kung saan talaga nagkulang,
Dun ko nahagilap lahat ng pagkukulang, peru huli na ang lahat.

Subalit sa kabila ng aking mga tanong,
Binigay ko pa rin sayo ang iyong inaasam, ang kasarinlan.

Salamat sa lahat ng mga memorya,
Salamat sa dalawang salitang
Nagbibigay sakin ng lakas at saya na naglalaman ng mga katagang "Mahal kita."

Ngunit di nga din nagtagal,
Iyon ay napalitan.
Ng mga katagang,
"Pasensya na, nakakapagod na. Salamat sa kalayaan. Paalam na."

Sort:  

Hey there Ohana! You were featured on the #99th edition of Steemitfamilyph's Featured Posts. Congratulations!

Thank You :) I'm so honored to be featured.

Ouuch!!! Maiiyak naman ako ne'to ehh. :( Timing pa talaga ngayon na nag-away kami kanina. :( sana naman di ko marinig ang mga katagang yan sa kanya :(

Magiging okay rin kuya :) may post ako about settling your issues first check it out :)

Talaga?? Sige sigee.. Macheck nga :) :) salamaaat ah :)

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 61238.93
ETH 2454.57
USDT 1.00
SBD 2.59