NAPAGLARUAN NI KUPIDO : TULA

image
Photo Credit

Tama nga sila na ang magmahal ay di biro,
Pati nga tadhana ay sadyang mapagbiro,
Malayo pa nga ng Pebrero,
Naglaro na agad si kupido at ang puso'y tinuro.

Isang saglit tayo ay nagkakilala,
Sa tuwing hawak ang kamay ay iba ang nadarama,
Sa titig ng mga mata tiyan ko'y nakakaramdam ng iba,
Ito bay' pag-ibig sa unang pagkikita?

Sa aking araw araw na pag gising mukha mo ang nakikita,
Sa tanghali iyo namang amoy ay nadarama,
Sa gabi nanaginip na kahit pa mag-isa,
Walang oras at minuto na di ka gustong makasama.

Kahit pa lahat ng paborito mo'y ginusto ko,
Lahat ng malapit sayo ay kinaibigan ko,
Lahat ng pinupuntahan mo ay inaalam ko,
Di nga tayo pero gusto kong merong talagang tayo.

Ilang araw na ang nagdaan,
Nagdesisyong na rin na aminin sa harapan,
"Mahal kita nga sobra at mas mamahalin pa kita",
Lakas ng loob ay nanaig at inalis ang kahihiyan.

Sa mukha mo'y kitang kita ang pagkabigla,
Pero ang sinagot mo ay malakas na pagtawa,
Sabay sabing "Talagang umaasa ka" ?
"Paumanhin pero mahal ko'y iba".

Pagmamahal nga naman ganito pala talaga,
Umasa, kahit maging tanga at marytr pa,
Napakasakit isipin lalo na't madarama,
Ang lubusang pagmamahal ng mag-isa.

Tama na kupido sa paglalaro mo sa puso ko,
Sana naman kahit man lang doon sa taong handang sumalo,
Hindi yung papana ka at hindi sakto,
Tama na kupido at maawa ka pagod na ang puso ko.

Please follow and support our very own @surpassinggoogle, @bayanihan, @purepinay and @teardrops. VOTE @steemgigs as your witness!

Sort:  
Congratulations! This post has been featured by @bayanihan in its 18th Curation Update. This has been upvoted at 100%.

Maraming salamat @bayanihan! More power!

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.18
JST 0.032
BTC 88143.93
ETH 3070.82
USDT 1.00
SBD 2.78