"Ang Ngayon Muna" | Isang tula

in #filipino-poetry7 years ago

IMG_20180413_131556.jpg

Mahal di ko maipinta
ang saya na nakikita ko
sa ating mga mata.
Masaya na mahal mo ko at mahal din kita.
Wag na muna nating indahin ang takot na namumuo sa isipan.
At simulang yakapin ang kung ano ang meron tayo sa kasalukuyan.
Ang oras na nagdadala sa kinabukasan
ay wag na muna nating isipin ng tuluyan.
Masaya tayo ngayon aking sinta,
isipin natin kung ano yung ngayon muna.
Wag na muna tayo lumangoy sa dagat ng kawalan
At magtampisaw na muna tayo sa dalampasigan ng kasalukuyan.
Mahal may sariling problema ang hinaharap,
ang mahalaga ngayon tayo ang magkaharap,
at ligtas sa ating mga yakap.
Dito na muna tayo sa ngayon mahal ko
wag na muna tayo tumingin sa malayo.
Isipin natin kung san tayo masaya,
Isipin natin ang ngayon muna.

Isang orihinal na akda ni @llivrazav
sana ay nagustuhan nyo.

Sort:  

Tama. Kelangan din muna nating i-enjoy ang kasalukuyan kasi, hindi din natin alam kung ano pa ang mga mangyayari sa mga susunod na araw kaya't hanggang maari, namnamin muna nating ang saya na nararamdaman natin sa kasalukuyan :)
Maganda yung tula mo. :) :)

Sang-ayon na sang-ayon po ako sa sinabi nyo po. Na mas matamis ang ideya ng kasalukuyan kesa sa mapait na kinabukasan. Kaya hanggang masaya ka, maging masaya lang. hehehe

At nakakataba po ng puso na nagustuhan nyo po yung tula ko. maraming salamat po ng sobra.

Hehe.. :) :) Walang anuman. :) Mas natututo ako mag tagalog kakabasa ng mga gawa niyo :) :) Bisaya kasi ako. LOL :D Tapos, mas nano-nosebleed ako sa sarili nating wika kesa sa Ingles. Kaya ngayon, meron akong "goal" (ano ba tagalog ng goal" LOL :D) na matuto pa lalo sa sariling wika at nang hindi na ako ma-nosebleed :D :D

Bisaya pud ko kyah. hahaha oo nga mas may malalalim na salita ang wika natin na nakaka nose bleed talaga hahaha. Napaisip din ako sa tagalog ng goal, hahaha sabay tayong matuto sa tagalog. hahaha

Hala, diay?? Taga aha man diay ka?? :D Nah, halaaa! Haha :D :D unsa kaha bitaw tagalog sa "goal" nuh? :D :D :D

Davao ko nag skwela pero taga surigao jud ko, ikaw ya asa d.ay ka?? ok ra mag kuya ko nimo?? hehehe

Sure.. Hehe :) Pero, iyang uyab ni ga-gamit sa account man. HAHA :D Pero, ga-gamit sab siya ani panagsa :)

ahhy oo tama join man d.ay mo sa isa ka account sa imong uyab ate? kuya? ahhaha

gi follow taka ya, hehehe pareha man d.ay ta bisaya hahaha.

Para sa tanong mo pwedeng gamitin salitang layunin.

Ako nagustuhan ko ang iyong tula. Haha nga pala nag trending ka ha yung isa mong tula tinatarget na nilang gawan ng mga kanilang bersyon. Good luck sa patimpalak at sa sakit ng ulo.


P.S. May mga na inspire ka sa tula mo kaya magaling ka bro. epektib kang manunula kahit na hindi tagalog ang iyong unang wika.

maraming salamat po sa walang sawang pag basa ng aking mga nililikhang akda.
Hayaan nyo po at paghahandaan natin ang sakit ng ulo sa patimpalak hehehe.

At nagpapasalamat po ako sa mga nabigyan ko ng inspirasyon kahit na ako ay isang hamak na manunulat lamang. Maraming salamat po sa walang tigil na ulan ng mga magagandang salita patungkol sa aking mga likha, kahit na hindi tagalog ang nakagisnan kong wika. Maraming salamat. :-)

Coin Marketplace

STEEM 0.21
TRX 0.20
JST 0.035
BTC 90703.90
ETH 3170.78
USDT 1.00
SBD 2.97