Tula, Isang Katha :: PAGBABALIK | Isang tulang nagpapasinaya sa pagbabalik loob

in #filipino-poetry7 years ago

photo-1488269848736-f7710de7e781.jpeg

PAGBABALIK

Ako ay minsang napariwara
Sa landas na 'di ko kilala
Pilit lang kinakabisado
Kahit naliligaw na at nalilito

Pilit kinukumbinse ang sarili
Na kaya ko to sa kabila ng sidhi
Sidhi ng damdamin na naguguluhan
Sapagkat di alam ang dinaraanan

Ngunit gayunpaman,
Pinilit ang sarili na mamulat sa katotohanan
Kahit na litong-lito na sa mga pangyayari
Kung bakit ko hinayaan magkaganito ang aking sarili

Pero aking nakita ang katwiran
Kung bakit landas ay dinaraanan
Upang ako ay bigyan ng leksyon
Na buhay ay hindi isang birong misyon

Tinuring na lang itong parte ng buhay
At karanasan ay hayaang umagapay
Upang mas makatayo ng maayos
At manalangin parati sa Diyos

Tunay nga ng kayligaya
Kapag sa buhay ay mayroong kinikilala
Kinikilalang Panginoon na siyang gagabay
Para magkaroon ng kabuluhan ang buhay

Kaya naman ito ay tula ng pagbabalik
At sa kanyang gabay pilit na humahalik
Dahil Siya ang tunay na kabuluhan
Kung ba't nabubuhay sa mundong ginagalawan



Ito po ay si @leryam12 o ang hugoterang Minion ay nagpapaalam na muna.
Hanggang sa muling pagbabasa. Adios!


image source

This is "hugoterang minion" at your service:D

DQmeguNPmryET5m38BEg4eCkGXHmFFq9ARk2fH9LayzVHGt.gif

UPVOTE, RESTEEM AND FOLLOW

@leryam12

Sort:  

Mi piace vedere nuovi post da te.

Mahusay na paglathala. Isang taos pusong pagbabalik loob ay minsan na rin aking naranasan, sa kadahalinang dagdag na kaalaman ng dahil sa siyensya. Ngunit nabatid ko na hindi lahat ng lalang sa mundo ay kayang maipaliwanag ng siyensya, bagkos ako ay napahanga sa diyos na may gawa ng lahat.

Salamat kabayan!

Salamat Kabayan! Tunay nga na kayganda kapag inamin mo sa iyong sarili na may Panginoon na siyang umaagapay sayo :)

Salamat sa iyong binigyan ng maikling atensyon ang aking tula :) Steem On!

Amen. to God be the Glory.😊☝️

Coin Marketplace

STEEM 0.15
TRX 0.17
JST 0.028
BTC 68754.67
ETH 2469.20
USDT 1.00
SBD 2.37