#001 Filipino-poetry "Tula" | OUTING TAYO

in #filipino-poetry6 years ago (edited)

outing drawing.jpg
Photo credits:PeyupiMemes


OUTING TAYO

Biyaya mang maituturing,
Minsan sila ri'y nakaririmarim,
Mga pinagpaplanuhang outing,
Madalas nauuwi sa drawing.

Ganun pa ma'y laking pasasalamat,
Nariyan sila kahit na ako'y salat.
Mga panahong kailangan ng karamay,
Maasahan silang may tuwang maaalay.

Hiling ko lang sana kahit na tumanda,
Pudpod na mga ngipin, tikas ay mawawala.
Kami'y magbabarkada sa tuwina walang iwanan,
Panahon man ay lumipas hindi malilimutan.

Ang una kong tula ay iniaalay ko sa mga kaibigan kong maraming plano na magouting kaso di natutuloy . Alam ko na di lang ako ang nakaranas ng ganitong pangyayari kaya comment mo yung kaibigan mong drawing.

drawing.jpg
ctto

ezgif.com-video-to-gif.gif

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.12
JST 0.032
BTC 63572.67
ETH 3086.22
USDT 1.00
SBD 3.86