Filipino Poetry : "Sino Ang May Kasalanan?"

board-1820678_1280.jpg
Pixabay

Sino ang may kasalanan?
ni jennybeans


Mag da-drama at mag e-emote pag iniwanan
Kesyo malinis ang konsensya at walang kasalanan
Naging tapat daw sa relasyon at kasintahan
Kaya lahat ng pwedeng isisi, ibubuntong dun sa nang-iwan

Parang hindi naman ata patas yan
Hindi ka naman kasi iiwan kung walang sapat na dahilan
Kasi sa pag-ibig kayong dalawa ang may pananagutan
Kung hindi gumana, aba eh, kasama ka sa masisisi diyan

Tayo kasi ay madalas ganyan
Kinakawawa ang sarili sa usapang hiwalayan
Ang iba ay nagbubuhat pa ng sariling bangko minsan
Para makuha lang ang simpatya ng karamihan

Sabihin na nating ikaw ay nasaktan
Sabihin na nating ikaw ay nahirapan
Pero ikaw lang ba? Siya rin naman ah
Tyaka, ginusto niya ba?

Mahirap din para sa kanya ang talikuran ka
Mahirap din para sa kanya ang kalimutan ka
Mahirap din para sa kanya na isiping sasaya ka sa piling ng iba
At mahirap din para sa kanya na harapin ang bukas na di ka kasama

Hindi naman sa may ipinagtatanggol ako
Yung akin lang ay sana magpakatotoo tayo
Wag linis kugon at sa pagkakamali ay marunong umako
Di naman nakakaliit ng pagkatao mo yan noh

Kawawa lang kasi ang mga kalalakihan
Parating pulutan sa mga talakan
Sila kasi ang madalas na irason
Sa mga nasisira at di nagtatagal na relasyon

Di rin naman kasi natin maipagkakaila na medyo lamang ang mga kababaihan
Sa relasyon sila ang nasusunod at parating nasa katwiran
Kaya pag nasaktan na at umiyak
Lagot ka, yan lang ang aking matitiyak

Ngunit ba't ba ganon?
Mga lalaki ay lumuluha rin naman
Di nga lang natin nakikita at nahahalata
Pero sana di sila kaagad hinuhusgahan diba

Mahilig lang kasi silang magkimkim ng nararamdaman
Di kagaya natin na hindi nakakapagpigil at madalas emosyonal
Sa palagay ko deserve din naman nila na maging biktima sa relasyon
Isang relasyong nakakalason na sa pagdaan ng panahon

Sino nga ba talaga ang may kasalanan?
Yung nanakit dahil iniwanan o yung nasaktan dahil nang-iwan?
Yung nanloko dahil niloko o yung niloko dahil nanloko?
Hay ang labo, sige i-push para may maidugtong lang ako :)



U5dryacLKKpig2tysTaHYTxGFQtFrwZ_1680x8400.png

jennybeans.gif



Maraming Salamat sa Pagbisita

Sort:  

Pero sino pu ba talaga ang may kasalanan sis @jennybeans? Kuya @toto-ph alam ko ikaw may kasalanan sa nangyari kay ate Nene. Lagot ka!

Hindi ko rin talaga alam sis @lingling-ph eh. Pero yan may masisisi na tayo... Lagot ka talaga @toto-ph , panagutan mo si Nene hahhaahha

Nalunod ako sa dugong lumabas sa aking ilong!

Hahahaha :)
Salamat sa pagbisita sis <3

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 58833.91
ETH 3155.94
USDT 1.00
SBD 2.44