Huling Sayaw!
Bagamat hindi ako nakahabol sa itinakdang huling oras ng paglalathala sa mga entrada para sa tunggali ni @jassennessaj na may temang ‘Huling Sayaw’ dahil sa kakulangan ng oras, ay nais ko po sanang ibahagi pa rin sa inyo ang aking ginawang tula. Nawa’y magustuhan niyo ito.
O giliw ko, sa tuwing tayo ay sumasayaw,
Ang puso ko, sa kagalakan ay umaapaw.
Tamis ng yakap mo ay damang dama ko,
Tapat na pag-ibig, iyan ang iyong pangako.
Subalit kalaunan, ikaw ay biglang nagbago.
“Ayaw ko na” ang tanging sinabi mo.
Ano ang nangyari, ano ang dapat kong gawin?
Bakit naman mahal ko, ako ay nais ng lisanin?
Ngayong Gabi ay iyong winawakasan,
Ang mahabang panahon ng ating pagmamahalan.
Bitbit ang maleta, ikaw ay namaalam,
Mundo ko ay gumuho, pagka’t ako na ay iyong iiwan!
“Huling sayaw” ang tanging nasambit ko,
Dama ang kabigatan, ako ay pinagbigyan mo.
Durog ang puso, mata ay luhaan,
Sa huling pagkakataon ako ay hinawakan.
Huling sayaw ay ating pinagdamayan,
Malungkot na musika ang ating naging pamamaalam!
Salamat po sa inyong pagdalaw! Ibinibigay ko sa Diyos ang lahat ng kapurihan!
♥️@jap60
Please continue to support the very selfless @surpassinggoogle as a witness, by voting for him at https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" at the first search box.
If you want to give him witness voting decisions on your behalf, visit https://steemit.com/~witnesses again and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.

(image by @jhunbaniqued)
Sana'y mapasali ka sa mga mananalo, ate Jane <3
Napakaganda ng iyon obra :)
Magandang gabi!
Hehehe... Malabo yang sinasabi mo ading kasi nakapili na pala sila ng winners even before I could post mine last night. Hindi ako nakahabol. just posted it anyway kasi sayang naman yon aking pinaghirapan. Thanks again ading.🙃😊
ayon o ate hehehe isa kang makata.
Trying hard, @fherdz. thanks
Feel na feel ah...
Ang galing !! 👍👍👍👏👏👏👌👌👌
hehe salamat