Tinig
Nakapagpapasaya sa aking puso tuwing maririnig ko ang tinig mo,
higit na parang nakararamdam ako sa pagbawas ng alalalahanin ko,
parang hindi natatapos ang taus-pusong pasasalamat ko sa panahong
kailangan kong marinig ang tinig mong iyan.
At sa ngayo'y malayo ka na,
hindi ko na tanaw ang iyong anyo,
nawa'y maibulong mo sa hangin
ang pangalan ko at marinig kong muli
ang iyong matamis na tinig