Sa Kabila

in #filipino-poetry6 years ago (edited)

Gayong nasa kabila ka lang,
hindi na kita nakikita kung minsan,
madalas ay hindi ko namamalayang umalis ka na sa oras na iyon,
sadya yatang mailap ang tadhana,
ikinukubli ko na lang ang pangungulila kong ito,
lalo na't kapag naririnig ko ang pagaspas mo.

Sinasadya kong mas maaga ako kung saan ka madalas naroon,
pero ganun pa rin, hindi na kita nakikita,
nagtataka akong bakit napapadalang na ang pagpunta mo,
naisip ko tuloy na hindi mo na yata ako bibisitahin,
hindi mo na rin ako ibig makita, dahil siguro,
madalas ay nasa ibang ibayo ka na.

Hindi ko na siguro hihintayin ang araw na iyon,
para saan pang ikukubli ka lagi sa akin ng panahon,
ng oras, ng mga di mabilang na pangyayaring
para tayong nagtataguan o ikaw ang gumaganap na
nagtatago ka na sa akin.

sa kabila
SOURCE

Marahil sa kabila, tahimik ka na doon, wala nang titingin
sa iyo, sa pagpapakita ng iyong maganda at makukulay
na pangarap, hindi ko na rin maririnig ang mga huni mo
na nakadudulot ng saya sa aking dibdib,
pinupuno mo sana ng masasayang araw tuwing narito ka,
ngunit ngayon, nagbabaha ako sa luha ng iyong pagkawala.

IWRITE.jpg

Sort:  

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by iwrite from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 64572.94
ETH 2630.79
USDT 1.00
SBD 2.82