Daan
Maraming daan sa ating dinaraanan,
maaaring malubak, makinis, pino o maalikabok.
Maraming daan sa ating dinaraanan,
matao, magulo, mabaho, basurang nagkalat.
Maraming daan sa ating dinaranan,
saksi tayo sa daan ano man ang ating makita.
Maraming daan samu't saring daang dinaranan,
mapakaliwa, mapakanan, daan sa ating buhay
nating dinaranan, ano mang nilalakbay natin
nananatiling nasa daraanan tayo ng daang iyon,
lahat ay naglalakbay sa daan. Walang pinipiling
anyo, kultura, at kung ano ano pa.
Sa daang dinaraanan natin...
Saan nga ba tayo patutungo?
saan nga ba?