Ang Makinabang Nang Makinabang

in #filipino-poetry6 years ago (edited)

gamit
pixabay

Dito sa mundong ito, lahat pinakikinabangan, walang hindi,
depende kung paano mo hindi makukulayan ang salitang PAKINABANG,
lahat naman naggagamitan, imposibleng hindi nangyayari ito,
kasi nga tao tayong lahat nakikinabang, pero iyon nga paano sasabihing
hindi ka nakikinabang gayong tao ka at lahat naman ay naggagamitan,
kung wala nito ano ang ating pakikinabangan sa mundong ito?

Lahat nang nakikinabang ay magkakaiba ang manipestasyon,
magkakaiba ng galaw, magkakaiba ng pagtingin, iba-iba ang pagtukoy
sa bawat pakikinabangan, sadyain man ito o hindi. Ang lahat ng
ating ginagawa ay ating pinakikinabangan maging sino ka man, mula
sa sanggol hanggang sa pagbalik sa lupa!

Ang makinabang nang makinabang ay walang masama depende
sa iyong motibo, pananaw, at kung ano-ano pa! Katulad noong
bata pa tayo lahat ng ating mga pinakikinabangan ay mula sa ating
mga magulang, pero hindi sila magugulang, sila ay ating
pinakikinabangan dahil tama lang na sila ay magulang natin, pero
ang makinabang nang makinabang ka ng walang pakundangan at
lapastanganin mo ang pagkatao ng pagkatao masunod ka lang o
mapunta lang sa iyo ang lahat ng pakinabang ay para kang lintang
nakasipsip sa buong pagkatao mo!

Magkakaiba ang uri ng pakinabang, merong pinakikinabangan ang
pagtulong mo sa kapwa, may pinakikinabangang nanggugulang
ng kapwa, may nakikinabang sa pagsipsip sa kapwa, ang punto,
LAHAT NAKIKINABANG ANO MAN ANG ANYO, KULTURA ng kahit sino!

Ang nakasusulasok lang sa mga nakikinabang ay MARAMI
SA ITO ANG DI ALINTANANG NAKASASAGASA na pala sila ng kapwa nila,
GINAGAMIT NILA ITO SA KAPAKINABANGAN LANG NILA!
PARA LANG SA KANILA, para lang sa kanilang humigit pang kapakinabangan,
bubusugin na nila ang dating busog na nilang pagkatao
na halos ay MASUSUKA na sila sa kapakinabangan na kanilang tinatamasa!

Maaari ka kayang magbigay ng kapakinabangan mo?
Maaari ka namang magbahagi ng pinakinabangan mo?
Ilang pakinabang na ba ang tinatamasa mo?
Hindi ka pa ba nalulunod sa pakinabang na nasa iyo?

Ang Makinabang nang Makinabang, sa huli
sa ABO rin babalik ang kapakinabangang ito!

STEEMIT DIVERSIFY - NEW JULY 2018 - iwrite.jpg

Sort:  

laging nakikinabang sa pakinabang nang iba

that is the truth and life

If you are going to be used, be the best tool for the job. You'll have security.

Naipaliwanag na ng tula ang ibig nitong ipahiwatig at maaaring taliwas ito sa iibig mong sabihin.

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 67388.31
ETH 3311.98
USDT 1.00
SBD 2.74