Ang Awang Ng Buhay

in #filipino-poetry6 years ago

Samu't saring awang meron ang buhay,
higit pa ito sa makaliskis, mabuhangin,
mapurol, bitak, lamat, ang mga awang na ito
ay malaking puwang ng buhay,
malaking hidwa sa pagtakbo ng panahong
lagi nating dala-dala,
may kasiyahan din, hindi nga lang wagas,
hindi nga lang malaya, masarap dalhin,
kaaya-ayang pakiramdam, ngunit may
saya na rin, kahit pansamantala.

awang
SOURCE

Ang awang ng buhay ay nariyan lamang,
maging sa mayaman at mahirap,
madalas alipin ang mahirap ng mayaman,
huwag ipagtanto pero iyon ang totoo,
sino ba ang may kakayahang manipulahin
ang bagay? Ang mayaman ba o mahirap?
Sino ba ang may kayang salamangkeruhin
ang batas? Ang mahirap ba? Kaya hindi
rin ako naniniwala sa taong may pinag-aralang
magiging matino siya, siya pa nga minsan
ang pasimunong i-siphoning ang kaban ng bayan,
kaya ang awang ng buhay ay nariyan lang,
mas nakalalamang ang laging mayroon sa buhay,
ito ang awang nilang ipinagkaiba sa mahirap,
ito rin ang awang na kailaman wala ng may
pagkakataong mailapat pa at maipantay
sa hanay ng mga may pinag-aralang sumisira ng bayan!

STEEMIT DIVERSIFY - NEW JULY 2018 - iwrite.jpg

Sort:  

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by iwrite from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 63549.46
ETH 2562.53
USDT 1.00
SBD 2.66