BAYANIHAN(TULA) mula kay makatang iphone7

in #filipino-poetry7 years ago (edited)

Ito na namang muli ang inyong makata
Sa inyo'y nagpapaabot ng bating maligaya
Ako'y may mensaheng nais ipaalala
Nawa'y sa puso't isip ay tumatak nga.

Kapwa ko mga Pilipino tayo'y magtulungan
Tama na ang lamangan at mga inggitan
Mga kamalian ay huwag pamarisan
Magdamayan at huwag maghilahan.

Kung nagtagumpay ang iyong kapwa
Imbis na mayamot, ikaw ay matuwa
Kung ikaw ang umangat, ako ay may babala
Dalhin mo sila pataas at hindi pababa.

Tayo'y iisang lahi kaya wag kang maramot
Huwag mong ipagkait ang tulong na karampot
Tumingin sa itaas, ang Diyos ay naroroon
Nakagabay sa ating paroroon.

Photo Credit:
https://www.google.com.ph/search?q=bayanihan&dcr=0&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwjM68v63-PYAhUB6bwKHTtxBvUQ_AUICigB&biw=1366&bih=675#imgrc=24lQ6-Ht7qSFKM:

Sort:  

Salamat dito makata :D

salamat <3

Pinoy na pinoy. :)

makatang pilipino pre hahaha :)

maraming salamt master. :)

you're welcome master! :)

Galing! Nung bata pa ako gustong gusto ko makakita ng bayanihan e. Hihi cool!

Hello mam neihy! hndi man natin makita sa personal ang pag babayanihan dito sa steemit family natin mga pilipino :) pinpakita natin ang isang @bayanihan. Mabuhay!

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.16
JST 0.029
BTC 75243.81
ETH 2872.09
USDT 1.00
SBD 2.49