"Pag-ibig na Kaya ?", Isang Pilipinong Tula

in #filipino-poetry3 years ago

Pag-ibig na Kaya ?

'Di ko na maalala pa'no nagsimula
Biglang nag-iba ang nadarama
Lagi ikaw ang gustong makasama
Hindi papayag na 'di ka makita

Sa tuwing minamasdan ka
Ikot ng mundo ko'y nag-iiba
Di alam anong aking nadarama
Hinahanap-hanap lagi kita

Mukha ko'y namumula
Sa tuwing lumalapit ka
Bakit ba ganito ? Pag-ibig na kaya ?
Ikaw ang nagbibigay sa'kin ng ligaya

Kapag sa akin tumititig ka
Parang ako'y mahihimatay na
Di maipalawanag saan nanggaling ito
Nababaliw na yata ako sa'yo

Maraming salamat mga kaibigan!

Naway naghandog sa inyo ng aliw ang nabuo kong tula.

Photocredits 12

Sort:  

Beautiful art work you've got there

Uu pag ibig na yan. Hahah