MANGINGISDA - MANDIRIGMA NG KARAGATAN (FILIPINO-POETRY)

in #filipino-poetry7 years ago (edited)

Mahirap raw ang buhay sa kapatagan
Isang bagay na hindi ko lubos maunawaan
Sapagkat ako’y lumaki sa tabi ng karagatan
At doon sa laot ang aming pangisdaan
Mga panganib ay di namin uurungan.



Kay Haring Araw kami ay mas nauuna
Sya’y tulog pa habang kami ay gising na
O kay lamig ng hangin na dumadampi sa bangka
Kasabay ng alon na maligalig pa nga
Lahat ito ay tinitiis para sa aming pamilya.



At pagsapit ng tanghali ang Araw ay nakangiti
Matingkad nitong sinag sa balat namin ay mahapdi
Isama pa ang tubig alat na sanhi ng aming buni
At kung mamalasin pa ay kay dalang ng mga huli
O kapalaran, kailan ba kami mapag-bubuti?



Ako’y nagsusumikap para sa aking mga anak
Upang huwag danasin ang hirap na masadlak
Kaya’t mag-aral kang mabuti at tamang landas ang itahak
Mahalin mo ang mga aklat upang di ka mapahamak
Lumipad kang mataas at ibuka ang iyong mga pakpak!

LARAWAN:
PIXABAY

Sort:  

galing naman! more power!


Salamat aking kaibigan @junebride

Kaibigang @filipino-poetry isa na namang mahusay na akda mula sa iyo! Ikaw talaga ay isang Lodi na pagdating sa tulaan at Petmalu ang iyong husay.


Salamat kaibigan ako ay biglang natuwa sa iyong komento sa akin
Ikaw ay mabuting kaibigan dito sa ating tagalog na sinusuportahan.
Mabuhay ka kaibigan!

Amang mangingisda
Sa iyo akoy saludo
Wag mag-alala
Bukas may pagbabago. 😁😁😁

kumusta filipino-poetry! :) sorry. i dont understand much tagalog, but nice pic.. yay!

im following u and upvoted now.

Maganda ang iyong tula ^_^

Resteemed your article. This article was resteemed because you are part of the New Steemians project. You can learn more about it here: https://steemit.com/introduceyourself/@gaman/new-steemians-project-launch

Coin Marketplace

STEEM 0.15
TRX 0.16
JST 0.028
BTC 67844.42
ETH 2429.36
USDT 1.00
SBD 2.35