Filipino Poetry #13 - "Araw ng mga Puso"

in #filipino-poetry7 years ago




valentines.png


"ARAW NG MGA PUSO"






Heto na naman at darating na
Buwan ng puso na kay saya
Para sa mga nagmamahalan
At mga pusong may pinaglalaanan


Subalit anu nga ba itong "Araw ng mga Puso"
Na kapag Sumapit na'y wari moy ligaya sa karamihan
Hatid nga ba nitoy kasiyahan
Para sa lahat ng mga nag-iibigan?


Dito'y maraming naghihintay
Pagkat marami din ang mag aalay
Ng pagmamahal na dalisay
Upang sa minamahal ay maibigay


Maligaya ang puso ng bawat isa
Pagkat araw na itoy malapit na
Sisibol muli ang sigla sa twina
Pagkat mga puso'y magdiriwang
Ng kaarawan ng bawat isa


Ngunit paano naman ang ilan
Na wari'y napagtaksilan
Di masaya pag walang kapareha
At malungkot ang pusong nag-iisa


Kaya bago sumapit ang araw kaibigan
Tiyaking meron kang pag-uukulan
Na sa twina'y marapat ipagdiwang
Pagmamahalang walang labis walang kulang




boder.png

kredito sa imahe



INYONG NAIBIGAN.png









Sort:  

Haha. Napakagaling niong tumula sir. Maraming salamat po sa nakaka aliw niyong tula.
Maligayang araw ng mga Puso!

salamat po at nagustuhan ninyo! maligayang araw ng mga puso^_^

Sabik na akong gumawa ng tula, hehe para sa mga taong , yun walang ka date sa Valentines Day 😅.
Nice poem sir 😊👏👏👏

Salamat kabayan at iyong nagustuhan.
Akoy maligaya sa iyong pagbisita

Good Day!

pinusuan mu din.. hahaha.. galing

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.16
JST 0.030
BTC 67724.53
ETH 2606.51
USDT 1.00
SBD 2.72