Saan ako tutungo?(filipino poetry)
Katha ni: @blessedsteemer🙏
Sa mundong puno ng kaguluhan,
Puro karahasan ang balitang napapakinggan.
Halos wala ng kapayapaan sa mundong ginagalawan,
At tila pag ibig ay wala ng puwang.
Kamunduhan ay laganap na sa mundong ibabaw,
Mga inaapi'y katarungan ang isinisigaw.
Kasamaan ay nangingibabaw,
Parang pagmamahalan ay natutunaw.
Mga kabataan ngayonay iba na ang henerasyon,
Wala na ang dating panahon ko noon.
Respeto at paggalang ngayon ay parang nawala,
Iba na talaga ngayon ang asal ng mga bata.
Giyera ng magkalapit bansa ay tila lumalala,
Patayang walang kuwenta at mga inosenteng buhay ang nawawala.
Kapayapaan ay di ko na makita,
Kundi kaguluhan ang namamayani at pagluluksa.
Saan ako tutungo sa magulong daigdig na ito,
Pati kaligtasan mo ay di mo na alam kung paano.
Pakiramdam ko a nasa hangin lang ako,
At di alam kung saan ang tungo.
Maraming salamat po sa inyong pagbasa sa munting kathang tula ko, at sana ay nagustuhan nyo ang aking katha. Pagpalain po tayo ng Panginoon!😇
Hanggang sa muli mga kabayan!😊
@blessedsteemer🙏