"Pag ibig nga naman"( my own filipino poetry)
Magandang araw po mga kababayan ko! Narito po ang aking simpleng tulang pilipino patungkol sa pag ibig, na alam ko naranasan din ito ng mga umiibig,umibig at inibig. Sana po ay magustuhan nyo po.😊
Katha ni : @blessedsteemer🙏
Sa una nating pagkikita ako ay natulala,
Mayroon akong naramdaman na pintig na kakaiba.
Puso ko ay napuno ng kaba at pawisan ang aking mukha,
Para bang akong binuhusan ng tubig na isang timba.
At sa iyong paglapit boses ko'y parang naipit,
Tanging "kumusta" lang ang salitang nasambit.
At ng sa akin ikaw ay nakipagkamay,
Para bang ako'y banderitas na sa hangin iwinawagayway.
O' anong tuwa ng aking damdamin pag ika'y nasisilayan,
Akala ko ay anghel na bumaba sa kalupaan.
Imahinasyon ko tuloy nakakarating kung saan saan,
Na ikaw daw at ako ay masayang magkahawak kamay sa dalampasigan.
Di nagtagal nagtapat ako sa'yo ng aking pagmamahal,
At sa bawat salitang binibitawan ng aking bibig ay tila nauutal.
Tila ba ako'y tulad ng isang sanggol na nagsisimula pa lng umusal,
Pero salamat sa Diyos, at nabanggit ko ang tanong "kung ako ba ay iyong mahal"?
Lahat na yata ng pangalan ng santo ay tinatawagan ko,
Pinapanalangin ko na sana tanggapin mo ang pag ibig na alay ko sayo.
Kahit na anong bagyo at delubyo ay haharapin ko,
Mapatunayan ko lang na ang intensyon ko sayo ay seryoso.
Di naglaon dahil sa aking panunuyo,
Nakamit ko ang mala pukyutan sa tamis mong "OO"!
Sa oras na yun parang langit ang aking mundo,
Noong marinig ko ang katagang "mahal mo rin ako"!
Maraming salamat sa inyong pagbasa sa aking simple tula.Hanggang sa muli.😊
@blessedsteemer🙏