ATING PANGALAWANG INA / TULA
Ibinabahagi mo sa amin ang iyong nalalaman
Nagsisikap ka para kami ay maturuan
Para madagdagan ang aming kaalaman
Iyong pagiging mahigpit ay aming nauunawaan
Ikaw ang pangalawang ina sa paaralan
Nariyan ka handa kaming tulungan
Maitituring din naming isang kaibigan
Na handa kaming unawain at pakinggan
Sa aming nais mga gawin ay sinusuportahan
Nagkakaisa kapag iyo na kaming pinapayuhan
Isa ka sa luminang ng aming mga kakayahan
Kaya nararapat ka lang namin galangin at pasalamatan
Kahanga-hanga ang iyong katangian
Dahil sa'yo mas dumarami ang aming nalalaman
Salamat sa pagtulong sa palinang ng aming yaman
Karunungan na hindi makukuha ng kahit sinuman
Maraming salamat po sa mga payo
Marami po kaming natitunan dahil sa inyo
Maraming salamat sa mga pangaral na ibinibigay ninyo
Mas natuto akong mangarap dahil sa'yo
Maraming salamat sa'yong mga itinuturo
Ikaw ay isa sa pinagmamalaki naming guro
Tanging isang bagay lang ang aking maipapangako
Magiging mabuting mag-aaral ako kahit saan man mapadako.
nice post @athenbree08.great
Thanks
Ang tula ay napakahirap
Hindi naman po mahirap. Lawakan mo lang ang iyong imanihasyon. 😊
Yukssss hhaha
Napakagandang tula para sa ating mabubuting mga guro :)
Maraming salamat 😊
upvoted sis
thank you for posting on steemitdavao tags;
Upvoted and resteem your beloved post
for my support.
Thanks
Kay gandang tula para sa minamahal nating mga guro. Nakakapagbigaay inspirasyon. Upvoted po.
Maraming salamat 😊
very nice madam
Lamat po
upvoted @athenabree08
thanks :)