Bato-Batô : Natikman mo na ba'to?

in #feature-antipolo7 years ago

PicsArt_03-11-10.33.32.jpg

Tayong mga Pilipino ay kilala sa buong mundo bilang maparaan, malikhain at mautak. Sa kahit anong aspeto o paksa, palagi tayong may laban. At kahit sa paghahanda ng pagkain, maituturing nating kakaiba at kaaya-aya sa panlasa ang mga lutong-Pinoy. Nagagamit natin ang pagiging maparaan sa pamamagitan ng paglahok ng iba't-ibang samu't-saring sangkap na makukuha lamang natin sa ating paligid. Katulad na lamang ng mga parte ng manok. Para sa ating mga Pinoy, lahat ng parte ng manok ay maaaring kainin. Ang ulo o helmet kung tawagin ay pwedeng ihawin ; ang leeg ay ipiniprito sa kumukulong mantika kasabay ng breading ng arina at spices ; ang petso, laman, hita, at dibdib ay kilalang mga parte na pwedeng gawing fried chicken o pwede ding inasal ; ang pakpak ay niluluto bilang buffalo wings ; ang puso, atay at balun-balunan ay pwedeng isahog sa adobo o sa pansit ; ang bituka ay ginagawang isaw ; ang balat ay ginagawang crispy chicharon ; ang mga paa ay kilala bilang adidas at sikat din bilang chinese chicken feet ; pero ang gusto kong ipunto sa lathalaing ito ay ang bato ng manok o ung tinatawag na kidney. Ano nga bang luto ang ginagawa ng mga pinoy sa bato ng manok?

20180308_162600.jpg

20180308_162612.jpg

Sa pagitan ng kulumpon ng mga nagkakagulong tao, aking inusisa kung ano ba ang sanhi ng mahabang pila at pagbubuklod nila. Sa tabi ng Pasalubong Center sa Antipolo City, Rizal matatagpuan ang isang kainan, streetfood kung maituturing, na sikat at dinadayo hindi lamang ng mga estudyante kundi pati na rin mga panatiko na gustong makatikim ng exotic foods. Sari-sari ang kanilang mga paninda. Lahat ay iniluto sa mantika at pinirito nang matagal hanggang maging malutong. At kapag luto na, isa-isang tutuhugin sa barbecue stick at idi-display na para ibenta.

20180308_163304.jpg

Mula sa pangkaraniwan na itlog ng manok na may kulay orange na breading (tukneneng), hanggang sa pangkaraniwan na itlog ng pugo na may kulay orange na breading (kwek-kwek) ay makikita mo dito. Meron din silang calamares o piniritong pusit na may breading. May pagpipilian pa na fried isaw, fried balun-balunan, fried tokwa, chicken skin, hotdog at ang napili kong i-feature, ang bato-batô.

20180308_162951.jpg

Sa dami na ng nalibot ko na lugar sa Pinas, at sa mga streetfoods na nakain ko sa mga kalsada, wala pa akong ibang nakita na nagtitinda ng bato-batô kundi sa Antipolo lamang. Kaya ko napili ito bilang entry ko sa food-featuring contest dahil dito lang sa Antipolo meron nito.

Inilulubog sa kumukulong mantika ang bato ng manok na may breading mula sa arina at itlog. Piprituhin hanggang sa maging golden brown ang kulay nito. Hahanguin gamit ang strainer at ilalagay sa isang container para patuluin ang sobrang mantika nito. Tutuhugin mula sa barbecue stick, ilulubog sa sawsawan, lalanghapin ang amoy nito, kakagatin at lalasapin...

Congrats! Na-experience mo na kung paano kumain ng bato-batô.

20180308_162843.jpg

Maaari kang pumili ng sawsawan na naayon sa iyong panlasa. Dahil ang sawsawan ang lalong magpapasarap sa bato-batô. Available ang mga sawsawan na...

suka na may sili
toyo-suka na mas maraming sili
sweet
suka na may pipino at sibuyas

20180308_162713.jpg

Magandang kapartner pagkatapos kumain ang palamig. Available dyan ang gulaman at buko juice.

20180308_163014.jpg

Kaya kung nais mo din matikman ang bato-batô, tara na at dumayo sa Antipolo. Madalas itong meryendahin ng mga taga-dito. Inihahain din ito hindi lamang bilang ulam, pwede rin itong pampulutan lalo na kung may birthday at handaan. Wag ka lang masosobrahan dahil kolesterol sa katawan ang kapalit ng sobrang pagkain nyan.

"Halika! Tusok tayo, kaibigan..." 🍡

Sort:  

Your entry made so hungry. Thank you for joining the 2nd contest of Steemph.antipolo

Street foods yum yum :)

Coin Marketplace

STEEM 0.21
TRX 0.25
JST 0.038
BTC 95358.83
ETH 3366.72
USDT 1.00
SBD 3.11