RE: What I Love About My Job
Ah ganyan din po ako mahilig manghila hila napagselosan din maraming beses sa aviation kasi mga lalaki lang mahihila hila ko pero yung iba nawala naman selos nong nakilala nila ako naging friend ko na rin wife nila. Yung iba nabuhay ng forever na yata marumi isip hindi nila ako kinilala bodyguard lang kailangan ko no more no less. At wala ako brother kaya parang sabik lang din sa bro mas safe kasi feeling ko pag lalaki Kasama Wala basta mag lakas loob pumormang manligaw o mambastos yun nga lang yung ilan sa kanila tinuring mong kaibigan sila rin pala tutuklaw at ang masama pa mas pinamumukha pang masama ang biniktima. Kaya rin mas gusto ko na lang magkulong sa bahay basta may internet at kahit cents cents lang earnings. 😊
Posted using Partiko Android
Sorry ha medyo matagal ako nakasagot. Matagal tagal ko din pinag-isipan kung ano ang sasabihin ko. Mukhang malungkot ang karanasan mo sa mga lalaki. Naalala ko kasi may isang post ako tungkol sa marriage na nagcomment ka na ayaw mong mag-asawa dahil mabigat pasanin. Pero naniniwala ako there is a right guy for every girl. Hindi pa nga lang dumating sa iyo. Kaya kahit magkulong ka dyan sa bahay mo mag 24/7 ka pa sa internet, pag oras na magkita kayo, magkikita kayo. Huwag mo ng isipin yung mga sad experiences mo doon sa mga ulupong na mga manyakis na akala mo mga kaibigan mo. Hindi dapat gawin basehan yan para sabihin mo na lahat ng lalaki walang kuwenta o kung may kuwenta man ay may asawa naman.
Ang ugali mo kasi madaling mamisinterpret lalo na ng mga lalaki na akala nila they are God's gift to women. Isa kang free spirit, fun loving and kind person. Matalino pa. Ano pa ang hahanapin nila? Eh mga hibang score lang pala ang intention. At least your experience has taught you to be more discerning pagdating sa mga lalaki. Ang masasabi ko lang ay kung may pagmamahalan, kahit mahirap, masarap at masaya ang may asawa at anak. It's living life to the fullest.
Yun lang po. Salamat sa pagtiyaga mong pagbasa nitong sagot ko.
Hehe OK lang naman po kahit nga wala sagot kasi minsan nga ako hindi talaga nakakareply. Tama kayo nakakulong lang ako ng bahay online naman lagi baka makatuluyan ko isang imported friend online 😁
Posted using Partiko Android
O di ba? Good things happen to those who wait.