How To Upload Videos On DLIVE In Tagalog

in #dlive8 years ago

Thumbnail

Isang Kumpletong Pagtuturo Kung Paano Mag-Upload Ng Video Sa DLIVE

Kamusta,

Ako nga pala si @toffer at nandito akong muli upang mamahagi ng konting kaalaman sa kung paano nga ba mag-upload ng video sa DLIVE. Sa araw na ito ay ituturo ko sa inyo ang mga paraan kung paano nga ba mag-upload ng video sa DLIVE gumawa din ako ng isang video tutorial at sympre naglaan din ako isang artikulo na may mga litro ng mga paraan. Kaunting pagpapaliwanag tungkol sa DLIVE ano nga ba ang DLIVE? Ang DLIVE ay isang platform na kung saan ay pwede kang makapag Live Stream ng kahit anong mga video na gusto mong I-Live gaya ng mga laro at mga importanteng kaganapan bukod sa Live Stream pwede ka din mag-upload ng mga video na kung saan ay pwedeng kang bigyan ng reward ni DLIVE.

Napakaganda ng platform na ito at talagang gustong-gusto ko sya dahil nuon pa man mahilig na talaga akong mag edit ng mga video sa tuwing mag-lalaro kame ng skateboard ng mga barkada lahat ng mga bidyo ay ini-edit kaya talaga namang natutuwa ako na may ganitong klaseng platform ngayon na kung saan pwede kang mabigyan ng reward sa mga ginagawa mo. Kaya sa mga mahilig din diyan na gumawa ng mga video blog na mga kapwa ko pinoy tamang-tama sa inyo tong DLIVE halika at subukan wala namang mawawala.



Ang Mga Paraan Sa Pag-aupload Ng Mga Video Sa DLIVE

Una - Pumunta sa platform ng DLIVE http://dlive.io kapag nasa platform na kayo hanapin ang Log-In at pindotin ito sympre mahalagang paalala kailangan ay may steemit account na kayo kung wala pa kayong steemit account gumawa at mag sign-up muna kayo sa steemit.com.

1 SignIn.png

Pangalawa - Pagkatapos nyong pindotin ang Log-In ay lalabas ang menu na nasa ibaba pindotin lamang ang Log In With Steem. Gaya ng sabi ko sa unang pamamaraan kailangan talaga na may steemit account muna kayo.

2 Login.png

Pangatlo - Hihingin ang inyong awtorisado o pahintulot ng Steem Connect na magamit ang aplikasyon na DLIVE para sa ilang mga gampanin at kung kayo ay sumasangayon mangyari lamang na pindotin ang CONTINUE.

3 SteemConnect.png

Pangapat - Pagkatapos ninyong pindotin ang CONTINUE mapupunta naman kayo sa STEEM CONNECT na kung saan sa operasyon na iyon ay kakailanganin ang inyong ang inyong steemit username, active key o kaya ay master password para makapag sign-in kayo sa DLIVE. Ilagay lamang ang mga sumusunod na kailangan at pagkatapos ay pindotin ang Sign-In.

4 SignIn.png

Panglima - Kapag tama ang iniligay nyong impormasyon kayo ay matagumpay na makakapasok na sa DLIVE. Kapag mag-aupload na nang video hanapin at pindutin lamang ang Upload Video ito ay nasa kanang bahagi katabi ng inyong DLIVE profile picture.

5 Upload.png

Panganim - Pagkatapos na pindotin ang Upload Video lalabas naman ang menu na ito na may nakalagay na Upload or Drag and Drop pwede kang mamimili sa mga paraan na iyan.

6 UploadOrDrag.png

Pangpito - Kung Upload ang inyong piniling paraan mangyari lamang na hanapin at piliin ang video na inyong I-aupload makikita ninyo sa litro na nasa ibaba kung paano pumili ng video na inyong I-aupload.

7 Open.png

Pangwalo - Kapag nakapili na ng video umpisa na ng pag-aupload ng inyong video sa DLIVE mangyari lamang na hintayin na ma generate o kaya ay matapos na ma-upload ang inyong video. Habang hinihintay na matapos na ma-upload ang inyong video mangyari lamang na pumunta muna sa ibaba upang ilagay ang ilang mga impormasyon na kailangan.

8 Wait.png

Pangsiyam - Dumako muna tayo sa Video Info o impormasyon ng inyong video sa Options may lima kayo na dapat ninyong sagutan o kaya ay lagyan ng mga impormasyon gaya ng.

9 VideoInfo.png

  • Title - Sa titulo ilagay lamang ang titulo ng inyong video mahalaga ito dahil ito ang magrirepresenta kung ano bang video ang inyong inapload.

  • Description - Dito sa paglalarawan kailangan ninyong ilarawan ang ilang mga impormasyon ng video na inyong ina-upload upang mabasa ng mga mambabasa kung ano ba ang inilalarawan ng inyong video.

  • Category - Pumili sa mga kategorya kung ano ba ang kategorya ng video na inyong ina-upload kung ito ba ay game, learning, music o kaya ay lifestyle. Kung ang video na inyong ina-upload ay tungkol sa game mangyari piliin lamang ang tamang kategorya para sa games.

  • Language - Sa lengwahe naman pumili kung anong lengwahe ang inyong ginamit kung ito ay ingles piliin ang salitang en.

  • Tag - Hanggang dalawangput lima o 25 na mga tags ang pwede ninyong ilagay ilagay ang mahahalaga o tamang tags na gusto nyong ilagay.

Pangsampu - Pumunta naman tayo sa Thumbnail para makapag upload ng thumbnail pindotin lamang ang Upload o kaya ay I-drag at I-drop ang inyong thumbnail. Tatlong klase ang suportado na thumbnail ito ay ang JPG, PNG o kaya ay GIF kapag gusto mo gumagalaw ang thumbnail mo piliin ang GIF dahil ito ay animated. Mahalagang paalala ang pinaka malaking sukat lang dapat ng inyong thumbnail ay hindi lalagpas ng 2MB ang sukat ng thumbnail na 2MB ay (1000 pixel by 700 pixel).

12 Thumbnail.png

Panglabingisa - Kung tapos na o kumpleto nang na-upload ang inyong video manyaring pumunta sa ibaba ay hanapin ang salitang SUBMIT at ito ay pindotin upang maisumite na ang inyong video sa DLIVE. Kung matagumpay na naisubmit ang inyong video ito ay pwedeng ng mapanuod ng mga manunuod sa DLIVE at makikita din sa inyong steemit account ang isinumite na DLIVE video.

13 Complete.png

14 Submit.png



Ayan po ang lahat ng mga pamamaraan kug paano nga ba makakapag upload ng video sa DLIVE sa mga nakabasa ng artikulo na ito sana ay malaki ang naitulong sa inyo nito. Maraming Salamat..



Read my previous post here:

DLive VIdeo: Cyberlink Powerdirector: Hyper Zoom/Smooth Zoom Effects

STEEMITGIF.gif

My video is at DLive

Coin Marketplace

STEEM 0.04
TRX 0.33
JST 0.102
BTC 65417.48
ETH 1886.24
USDT 1.00
SBD 0.39