Paano Nag-Invest sa Crypto ang Noob na Kagaya Ko

in #cryptocurrency6 years ago (edited)

Bago ko simulan ang mahabang kwentong ito, ipapaalam ko lang na laha ng mababasa mo ay HINDI FINANCIAL ADVISE. Unang una kasi hindi naman ako advisor. Pero sa eskwela daw marami nyan, shout out nga pala sa paborito kong advisor nung Grade 3 ako, si Ma'am Mallari.

Haha ang kulit ko na naman. Teka balik nako sa pakay ko.

Ok, ito medyo seryoso. Hindi naman ako eksperto pa dito, nasimula ako late April- early May ng taong ito. So bagito pa rin talaga ako. Pero meron na rin namang natutunan sa nakaraang walong buwan ko sa crypto journey ko.


Image sources: 1 2

Crypto journey. Best. Journey. Ever.

Haha lakas maka FOMO ano.

Ang FOMO ay acronym ng FEAR OF MISSING OUT, na ang ibig sabihin ay dahil marami kang magandang naririnig sa isang crypto galing sa maraming tao, o kaya nakita mo na pataas ng pataas ang presyo nito, matataranta ka ngayon at dalidaling bibili nito kasi ayaw mo mapagiwanan ng mga crypto-buddies mo.
Isa lamang ito sa maraming terms na maririnig mo sa crypto-world.

Ok, pano ba ko nagsimula sa crypto? Actually may kaibigan ako na nakapagsabi nito mga late April ng taong ito. Nung una ang pinagpaplanuhan namin mag Forex, nasubukan na daw nya dati na magtrade, tapos kahit di siya kumita naengganyo ako. High risk high return e. Dun ako sa high return na-focus. Kaya mega nood sa youtube ng mga videos na inexplain ang Forex. Dito ko narinig na Long/Short sa isang currency ganern. Tapos minsang kinumusta ko kung nakapagsimula na ba ulit siya sa Forex, sabi di na daw kay may nakita siyang mas magandang paraan na mapagkakakitaan. Syempre tinanong ko agad ano. Sabi ko, Ano yun, ano yun? syempre puno ng excitement yan. Tapos ayun na nga, cryptocurrency daw.

And I was like, cryptocurrency what?!!???

I went to ever-reliable google of course.

Kako, ah, Bitcoin. Alam ko na yan, hashtag feeling brainy. Pero syempre si Bessy Google kinonsulta ko rin. What is cryptocurrency. How to invest on cryptocurrency. Cryptocurrency for Idiots hinanap ko rin. Ayun nalaman ko na ibang iba na pala ang cryptocurrency space kumpara nung nagsisimula to. Andami ng coins!

Pero sa totoo lang, ang dami kong nosebleed sa mga terms na naencounter ko sa aking panananliksik. Blockchain. Proof of Work. Proof of Stake. Ano daw, kelangan may ebidensya ganun, parang Exhibit A??

Dito ko napatunayan na, if you want something bad enough, you'll spend time to know more about it. Parang sa ligawan lang ganern, pag type mo bubuhusan mo ng oras. Charot! Commercial lang yun.

Pero seriously speaking, I did spend a lot of time trying to grasp the market. Nagbabad ako sa youtube. Sinimulan ko sa what is bitcoin. Madami videos na maganda magexplain, pero if kagaya kita na hindi masyadong techy, may moments talaga na feeling mo lost ka. pero go lang ituloy ang laban. The more videos you watch, makikita mo napapagdugtugdugtong mo sha. Pinapanuod ko rin mga videos nina Tai Zen at Leonfudotcom dati (Leon Fu lang talaga sya haha). Maganda ang content nila kasi may series pati sila, properly labeled yung pagkakasunud sunod. kung newbie ka, may videos just for you ganern.

Si Crypt0 din, Ryan Lye, Bitesize Bitcoin at Ian Balina. Sina Cryptoverse, Suppoman yan din pala haha. ang youtube followed ko puro related sa crypto. Di ko naman sinasabi na lahat ng payo nila sundin mo, nako maloloka ka and you'll end up with more coins than you can manage. Masaya lang din maexpose sa iba't ibang istilo at pananaw. Watch with caution lang kumbaga.

Madalas mapipickup mo sa mga videos na napanuod mo kung aling coin ang matunog. Pag lagi mo naririnig, mapupukaw interes mo syempre. Ganun naman din yata talaga ang purpose nila kaya sila nagbobroadcast ng opinion nila. Pero yun nga, mas mainam kung di ka lang go ng go. Ikaw mismo alamin mo bat kaya para sa kanila maganda ang coin na yun.

Para malaman ko kung ano sila, iniisa isa ko ang mga currency sa coinmarketcap.com na interesado ako.



The place to be

Pwede mong click kasi yung coin name tas bibigyan ka nya ng maraming information pa about the coin, like may links sa official website nya, makikita mo ang charts nya, at kung anu ano pa.



Lalabas ito pag click sa "ETHEREUM"

Maliban sa coinmarketcap, mainam na up to date ka sa community news about crypto. Sa totoo lang kasi, malaking bahagi yan ng growth ng coin, madalas pag may magandang balita sa isang coin, kasabay nun tataas ang presyo nya. Magandang magbasa ng crypto-related articles, unang una DITO SA STEEMIT SYEMPRE. Hanap ka lang sa tags ng cryptocurrency, crypto-news, blockchain, o kaya specific tag ng token o coin that you wanna know more about, nako mananawa ka. Magandang source sin ang cointelegraph o reddit.

Pero tulad ng sa youtube videos, read with caution. Ingat sa hype.


So, nung marami nakong napagalaman tungko sa cryptocurrency, ready nako maglagay ng hard-earned piso ko at itaya sa market! Ang next move ko, FIAT to BTC exchange.

FIAT

Ito ang tawag sa paper currencies na issued ng mga central banks ng bansa. Halimbawa nito ay Philippine Peso, US Dollars, Australian Dollars, Canadian Dollars, Japanese Yen, etc. Alam ko nagets mo na pero gusto ko lang magdagdag ng example.

Dito, kailangan mo ng coinsph account. Madali lang magsig-up, follow this guide if needed.

Nung may account na, nag LEVEL 1 at LEVEL 2 verification nako para makapag cash-in ng gusto mong amount. Eventually nag level 3 verification na rin ako kasi mas madali na mataas ang limits kahit onti palang ang puhunan ko. naimagine ko kasi, better have this handy now when I don't need it, than find myself needing it and not have it. Ayan words of wisdom, charot!

Pero yun na nga, after ma approve ng verification, cash in nako. Via Cebuana ang una ko, instantly papasok ang cashin mo sa coinsph account mo nun. Tas pwede mo na sha iconvert sa Bitcoin.

Pag nagawa mo na to, congratulations, isa ka ng official cryptocurrency investor! Woohoo!!!


Dahil maraming maraming coins nga sa market, naengganyo ako na bumili rin ng iba pa. Nalaman ko na may wallets na may maraming coins tas pwede mo na convert dun ang Bitcoin sa isang coins pa. Ang recommended na multi-wallet sa desktops/laptops Exodus, sa mobile naman Jaxx.

May mga nangyari na sa past na ang wallets ay nacompromise. Store at your own risk.

Ako sa Jaxx ako una bumili ng altcoins. Minsan may mga coins na matagal magpalit kaya wag magpanic.

ALTCOINS

Ito ang lahat ng coins or tokens sa crypto, maliban sa Bitcoin.


Ang mga coins sa multi-wallets limited lang, kaya nung nagkaroon ng pagkakataon na gusto kong bumili ng coins na wala sa wallet ko, dun nako naging matapang sumubok sa exchanges.

EXCHANGE

Ito ang mga trading platforms kung saan nagbebenta at bumibili ng iba't ibang coins ang mga traders. Ang mga sikat na exchanges ay Bittrex, Poloniex, Binance, OKex, Cryptopia, Hitbtc at marami pang iba.

Sa Bittrex ako unang sumubok, at oo, may moment din talaga na feeling ko nangangain sha ng tanga hahahaha. Pero sa una lang yan. makakasanayan mo rin pano sya gamitin.Marami ring articles at videos kung pano gamitin ang mga ito.

Kung may coin ka na gusto tapos di ka sure san mo mabibili yun, punta lang sa coinmarketcap, click mo yung coin tapos dun sa part na may graph makikita mo yung word na "Market". Click mo lang yun lilista nya lahat ng exchanges na binebenta yan, tapos dun na rin sa link ng exchange ka pumunta para sure na official site nila. Dami kasi scam sites din e.



Mga exchanges kung saan mabibili ang coin


Ayan! Kung nagagawa mo na lahat ng yan, congratulations fellow crypto trader/investor! This will be our ticket to the moon! Power! Tara kwentuhan tayo, share mo rin dito ang experience mo.


If you would like to support initiatives on community building and enrichment, kindly check out @steemph, @steemph.cebu, @steemph.iligan, @steemph.davao and @steemph.manila

Consider casting your witness votes for @precise, @steemgigs @cloh76.witness and @ausbitbank who have been adding invaluable contribution to the community.

To cast your votes, just go to
https://steemit.com/~witnesses

Type in the box the witness account, example below for @precise



dreamielygif.gif

thealliance_ladies_3.png




Sort:  

Hindi aq fan ng ethereum, hehe
Pero meron aq nyan!👻👻👀

nangangain talaga sya ng tanga hahaha. kakastart ko lang dn sa mga cryptocurrency na yan. meron dn ako jaxx wallet pero d ko pa alam ggawin ko hahaha! teka sis, kung may btc ako sa jaxx wallet pno ko sya macconvert sa cash? need pdn dumaan sa coinsph?

sis tanga din ako dito..hahaha kakainin ata ako!

don't worry mem busog na daw sha sakin di na sha masyado manginginain

hahaha! buti may mga tutorials kaya medyo nkkagrasp ng konti

yes either coinsph or peer-to-peer. pero if peer to peer proceed with caution make sure mabayaran ka

pagcoinsph sis malaki ba kaltas?

ahm, hindi naman sa kaltas, pero mapapansin mo sa coinsph may difference sa buy and sell price. so halimbawa buy ka now tas nagbago isip mo sell mo na agad sa php, hindi na sha tulad nung initial investment mo kasi mas mahal nila binebenta ang btc kesa sa binibili. example, pwedeng sell price nila 1, 000, 000 tas buy price 970,000 ganun.

tas pag lilipat mo btc sa ibang wallet or exchanges, may pamasahe ang btc. ngayon mejo mahal na kasi mataas ang presyo ng btc. ayun.

Yun na nga sis...pero pag peer to peer naman kelangan trust worthy ung katransaction..

Trooths. Piliin pag peer to peer. May ibang option daw Abra pero never ko pa yun natry

ung friends ko tntry nla ngayon ung abra. bawal dw magscreenshot dun kaya hndi ako
mkpagpaturo pa hahaha sa personal nlng pero
mukang ok nman ata

bumili ako ng ethereum before til now di ko parin nasesell dahil anlaki ng binaba ni ETH.
Pansin ko lang pag lumalaki si bitcoin bumababa si ETH..hehe

Invest at your own risk din talaga sa crypto..

Oo ganyan madalas, if btc goes up, alts go down, at least in btc value. Usualy dollar value nadadala ni btc e

Ay, thanks for this... mejo naintindihan ko na ng konte.

feeling ko nangangain sha ng tanga

Meron akong jaxx wallet recently ko lang na install, si @kennyroy pinag set up ko kasi nga... feeling ko nangangain din cia ng enggss..

I have an account with changelly, di ko pa rin na try mag exchange dun, though I saw mas mataas cia kesa blocktrades. Tapos parang di mejo maganda ang feedback compared sa blocktrades...

Oo changelly natry ko once. Minalas kasi pala poloniex din gamit nila exchange yata so antagal nung exchange nung sakin. Wallet maintenance kasi nun sa ethereum e may hinahabol ako ico. Ending wala rin haha.

Anyways sa una lang mejo kapa kapa, through time makakasanayan din ^_^

Ethereu to BTC a big exchange...

Yes yes yes!

Salamat sa info, open minded ako. :D

sabay tayo mem isigaw natin ang....

POWER!!!!!

nice article para sa mga baguhan. True story.

pang maalaala mo kaya? hehe

life changing story hehe

gusto ko talagang malaman mga pasikot sikot sa cryptocurrency! salamat po sa post nyo dito ako magsisimula, sana ma gets ko agad hehehe

oo mem mas mainam aral aral muna bago sugod hehe

How to be u po? Ahaha. Breakthrough ang 2017 mo ah. More tagalog posts please. :)

Ahaha bes don't "how to be you po" me. Alam mo na sino ang mga grandmaster dito lol

eh ikaw ang handler nung isa. XD

Nakakatuwa pala ang steemit community po bago pa lang ako wala pang 1 week naka sali still learning pa po paano gamitin c steemit. Thank you po sa details at least na dagdagan ang learnings about steemit. Help me po please upvote me @sharatots. Thank you

Welcome to steemit madam! Hope you have fun here :)

Maraming salamat madam ganda cge post ka pa ng marami about cryptocurrency gusto ko matutu paano. Ang ganda basahin ng details nyu po about crypto mem Dreamiely. Tanong lang po may napansin ako sa money na upvoted po halimbawa may nagvote sa ako na tas ang pera ko halimbawa 0.89 tas minsan bigla lng bumaba maging 0.82 bakit ganun? Hindi ko naintindihan. Salamat po maraming salamat.Merry Christmas

Hi @sharatots,

FAQ section is a good place to start if we have questions around steemit and would want to understand the platform better.

For your question, this page is useful
https://steemit.com/faq.html#Why_do_the_earnings_for_my_post_go_up_or_down

Why do the earnings for my post go up or down?
The amount that is shown next to a post is a "Potential Payout". This is an estimated value of how much money the post will make based on the votes that have occurred so far. Depending on various factors, this value can go up or down until the payout window closes:

  • If a post receives more upvotes, the potential payout of the post can go up.
  • If a post receives more downvotes, the potential payout of the post can go down.
  • If other posts receive more upvotes, the potential payout of the post can go down.
  • If other posts receive more downvotes, the potential payout of the post can go up.
  • If upvotes are removed from a post, the potential payout of the post can go down.
  • If downvotes are removed from a post, the potential payout of the post can go up.
  • If the price of STEEM goes up, the potential payout of all posts can go up.
  • If the price of STEEM goes down, the potential payout of all posts can go down.

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 63866.68
ETH 3129.16
USDT 1.00
SBD 3.87