Covid 19

in #covid4 years ago (edited)

Bawat umaga na darating,
Sa Diyos ako ay hihiling.
Sana mundo ay haplusin,
At pandemya ay sugpuin.

Ilang buwan na ang nagdaan,
May lugar pa na bawal puntahan.
Sa labas ay bawal pang maghuntahan,
Maiging manalangin at mag stay sa tahanan.

Tayo ay sumunod at makinig sa sinasabi,
Tigas ng ulo pwede bang isantabi.
Please lang huwag kang makasarili,
Dahil ito ay para sa ating ikabubuti.

Corona virus tama na!
Ikaw ay tumigil na.
At huwag ka ng babalik pa!
Mag iwan ka lang ng aral sa bawat isa.

IMG_20200705_143934.jpg

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.16
JST 0.031
BTC 63422.01
ETH 2688.96
USDT 1.00
SBD 2.58