Online Games that I Played in the Past

in #busy6 years ago

This is a response to my friend @twotripleow in his article: Community Competitions Tuesday with @SteemPh. [RAN ONLINE]

Ang Simula

Taong 1998 noon, ako ay nasa unang baitang sa kolehiyo. Nang minsang mapasyal ako sa isang mall sa siyudad kung saan ako nag-aaral ay namangha ako sa mga nakita kong nilalaro sa computer ng mga batang hayskul pa lamang. Mga Pentium II pa ang mga computer noon.

Napag-alaman ko na ang pangalan ng larong iyon ay Red Alert na gawa ng EA (Electronics Arts). Ang Red Alert ang nagbukas ng pinto para ako ay matuto ng mga computer games, online computer games, at online mobile games.

red alert.jpg

Source

Bagaman hindi naman talaga matatawag na "online" game ang Red Alert sa kadahilanang nasa loob lang din ng isang network na offline ang iyong kalaro at hindi sya gumagamit ng internet.

Marami pa akong nilaro na mga network games (offline) kagaya ng Star Craft II, Diablo II, Battle Realms, Worms Armageddon at ang pinakapaborito ko ay ang Counter Strike.

Unang Online Game na aking nalaro.

Dumating ang taong 2002, ang taon kung saan ay ini-release sa South Korea ang Larong Ragnarok. Taong 2003 naman ng magsimula akong laruin ito habang ako ay nag-o-OJT.

RO_icon_file.png

Source

Masasabi kong ibang ang pakiramdam kapag ikaw ay naglalaro ng online games sa kadahilanang totoong tao din ang nakakalaro mo na kumokontrol sa mga character ng laro saan man sa panig ng mundo.

At dumating ang taong 2012 kung saan nag-umpisa akong maglaro ng CrossFire. Ang CrossFire ay hango sa larong Counter Strike. Ang kaibahan nila ay... online game ang CrossFire, ang Counter Strike ay offline game (hindi gumagamit ng internet).

CrossFire_(video_game)_logo.png

Source

Main window ng CrossFire
1.png

Eto yung character ko, AfterGlow din ang pangalan
Character.png

Eto yung laro ko kagabi, naglaro ako para lang makakuha ng screenshots, hehe.
FFA.png

Eto naman ang mga main na baril na pagmamay-ari ko na.
Main.png

Eto naman ang mga pistol o hand gun na aking pagmamay-ari

Eto naman ang profile stats to sa CrossFire
profile.png

Hindi ako nahirapan makisabay sa mga players ng CrossFire sa kadahilanang ako ay beterano na ng larong Counter Strike. Ipadagdag mo pa na ang controls ng CrossFire at Counter Strike ay magkapareho lang.

Sa ngayon ang ranko ng aking character sa CrossFire ay Major (Full Level 8), isang kembot na lang at magiging Lt. Colonel na.

Masarap laruin ang CrossFire, bagaman hindi ko ito inirerekomenda sa mga kabataan dahil sa bayolenteng kalikasan ng laro.

CrossFire ang first ever online game na gumamit ako ng E-coin para bumili ng character na SOV, yun na ang una at huling kong gastos sa larong online hanggang ngayon.

Mga taong 2014 naman ng maglaro ako ng Clash of Clans at Boom Beach sumunod naman ang Clash Royale noong taong 2016.

Nakapaglaro din ako ng Farmville at Barn Buddy sa Facebook. Sa ngayon ang nilalaro ko na lang paminsan-minsan ay ang Clash of Clans at Clash Royale.

Yan na kaibigang @romeskie ang buod ng aking karanasan sa paglalaro ng online games.


I am an I.T. professional (Computer Engineer) working in a private company, a blogger, a father and a husband.

Jhon Steemit.png

SmartSelect_20180410-190656_Gallery.gif

afterglow.png

Sort:  

great bunch of games! I only played red alert from those.. cool.

Try CrossFire, it is so much fun.

Karaming baril bro haha. Ano masasabi mo @romeskie?

Mamaw ka na sa crossfire hehe mabuti hindi mo naisipang ibenta? Kung hindi ko ibinenta iyong sa akin malamang sa wala na rin iyon haha kasi nagsara pa iyong games.

Nanghihinayang ako bro na ibenta, pinaghirapan ko kasi yan. Hehe.

Game appear in all cultures all over the world, an ancient custom that brings people together for social opportunities. GAMES allow people to go beyond the limit of the immediate physical experience, to use their imagination. Common features of GAMES include a finish that you can not forecast, agreed upon rules, competition, separate place and time, imaginary elements, elements of chance , established goals and personal enjoyment. Games are used to teach, to build Friendships, and to indicate status.
Game is something that people do for fun. It is different from work in many games, people play against other people. Many sports are game. There are different kinds of game using many kinds of equipment. For example, in videogames, people often use controllers to control what happens on a screen, such as a video game some game don't need any equipment..

Maganda ang pagkaka-balangkas ng mga larong iyong nakahiligan. At masasabi kong nakahiligan ko din :) Ilang araw din ako nagpuyat para sa Red Alert. At dahil magastos maglaro ng online. madalang naman sa Ragnarok, etc. Hehe. Ganun ata talaga madalas sa mga may propesyon sa larangan ng I.T.

Tama ka kabayan, ang mga tao sa larangan talaga ng I.T. karaniwan ay meron kinahuhumalingan na laro, online man or offline.

Thanks for sharing a Great Article!! It was very useful and our team is developing online mobile games development services such as action,arcade,racing,casino and so on.check out our site in your free time.The site-https://imetatech.io/online-mobile-games-development

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.15
JST 0.030
BTC 64876.28
ETH 2650.41
USDT 1.00
SBD 2.81