The Diary Game Season 3 ( December 27, 2020) Mountain climbing

in #betterlife4 years ago (edited)

Isang Magandang hapon sa lahat. Araw ng Linggo, December 27, 2020. Ako ay pumunta sa bukid para sa isang mountain climbing kasama ang aking partner sa buhay. Ugali ko kasi na pupunta sa bukid para mapagmasdan ang magandang nilikha ng Diyos. Pagkatapos magsimba ay agad akong pupunta sa bukid. Kumuha ng mga larawan at pagmasdan ang ganda nito. Pagdating namin sa bukid ay lumantad sa amin ang napakagandang lugar, kulay asul na ulap, maraming ibon ang nagliliparan, sariwa ang simoy ng hangin at kitang-kita ang malalapad na lugar mula sa bundok na kinatatayuan namin.

Dahil sa ganda nito, agad kong kinuha ang cellphone ko at kumuha ng mga larawan at iniisa-isa kong kinuhanan ng litrato ang ibat-ibang magandang anggolo sa bukid kung saan naroon kami.wyndell 1.jpg

Napakatahimik ng lugar tanging ang huni ng mga ibon ang maririnig mula rito. Kaya nasasabi ko talaga na ang taong mamuhay sa lugar na ito ay payapa at malayo sa maiingay na lugar. Mula sa kinatatayuan ko ay makikita ang kulay berdeng mga dahon.wyndell 2.jpg
Lalong-lao na ang mga malalaking puno at mga niyog sa likod namin.wyndell 3.jpg
Makikita ang mga bahay sa mga mababang lugar at sa kabilang bundok nito. Mula sa kabilang bundok ay naririnig namin ang boses ng mga nagsisigawang mga tao at boses ng baka. Minabuti naming sa umaga kami pumunta sa bukid para hindi mainit at makapag-ehersisyo. Pawis na pawis ako pagdating namin sa tuktok ng bundok pero sulit naman ang pagod namin dahil sa ganda ng lugar na ito.wyndell 4.jpgwyndell 5.jpg
wyndell 5.jpg
Maswerte naman at hindi masama ang panahon at maganda ang sikat ng araw.Kaya yun, masayang-masaya kami, enjoy na enjoy sa kakakuha ng mga litrato sa magandang tanawin. Habang abala ang kasama ko sa pagkuha ng mga litrato, abala naman ako sa kakahanap ng mga magagandang halaman para pang dekorasyon sa bahay. Pero wala akong nakita, panay damo lang ang nakita ko. Malakas ang signal ng cellphone sa naturang lugar dahil open field at mataas ang lugar na kinaroroonan namin. Mga ilang oras kami sa bukid, pinagmasdan ang paligid. At dakong alas 10 ng umaga, bumaba na kami.Pawis na pawis at napakainit ng panahon. Pagdating namin sa bahay, kumuha agad ako ng malamig na tubig pangtanggal ng init at uhaw. Binigyan ko rin ang kasama ko, pagkatapos ay nag-almusal na kami kasi hindi pa kasi kami nag-almusal mula noong umakyat kami sa bukid.

Tunay talaga na maganda ang nilikha ng Diyos. Maraming salamat, and Godbless sa lahat. :)

Sort:  

This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.

Follow @steemitblog to get info about Steemit and the contest.

Anroja

Keep on sharing beautiful Diaries you have @jb123.. God Bless!!!

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 64302.59
ETH 2654.83
USDT 1.00
SBD 2.83