Si Ako, Si Ikaw, Sila o Tayo

in #bayanihan7 years ago

skulp.jpg

Alin sa lahat ang aking uunahin?
Si ako ba, na laging lubhang mahinhin?
Si ikaw na may matatamis na tingin?
Sila, na may sariling alituntunin?
O tayo na dapat pagbuklodin natin?

Tayo ang una kong tinangkang Ayusin.
Subalit lubhang mahirap itong gawin.
May Iba’t ibang rason at suliranin.
Nakasama pa sa kanilang pagtingin.
Sila na lamang aking asikasuhin.

Sila man ay gustong- gusto ko baguhin.
Maibunyag ang tunay kong adhikain.
Ipahayag na ako’y nagmamahal din.
Sarado ang mga tenga ayaw dinggin.
Naisipan ang sarili ay alisin.

Ako’y naghanap ng ibang mamahalin.
Buong pagmamahal ko sayo nabaling.
Wagas na pagmamahal meron sa atin.
Ngunit di nagtagal tayo’y nag away din.
Salita mo’y aso di kaya kainin.

Ikaw, sila, tayo di kaya baguhin.
Hindi kaya ako din ang may salarin?
Pagbabago ay dapat mula sa akin.
Tuklasin ang sarili at aaminin,
na minsan sarili ang dapat sisihin.

Ngayong alam ko na ako ang may sala.
Ibig ko na alisin aking Maskara.
Maskarang mapaglinlang at sumasara,
sa aking isipan at mga mata.
Ito na, pagmasdan, ang aking paglaya.

Si Ako muli ko siyang nakikita.
Ito na pala ang tunay kong itsura.
Siya’y mukhang takot at kakaba-kaba.
Ani nya’y mabuti ako’y naalala.
Sabay yakap sakin habang lumuluha.

Si Ikaw binalikan, ipinakita,
ang tunay na sarili ay nakita na.
inaming nais ko siyang makasama.
Tanong lang niya bakit ako ang nauna?
Inaamin din niya , siya rin ay may sala.

Sadyang mapaglaro ang aking tadhana.
Sila biglang lumabas at nagpakita.
Ako ay nakihabilo’t nakisama.
Wari ko ay walang nangyaring masama.
Lumayo ako wala palang problema.

Nabuo Tayo at nagkasamasama.
Ang Lahat ay nagbago at masasaya.
Kami’y walang masasamang haka-haka.
Ang aming samahan ay naging sandata.
Sa mga elementong nais manira.

Ang Si Ako, Si Ikaw, Sila o tayo.
Hindi paligsahan, may panalo-talo.
Kundi Ito’y isang pagsasalo-salo.
Wala ang nag-iisa o nagso-solo.
Dito ay walang alipin walang amo.

Tuklasin ang sarali.Huwag magtago
Wag ikahiya tunay na pagkatao,
at kung kinakailangan baguhin mo.
Ngayo’y malalaman tunay na totoo.
Hindi mapanirang pagbabalakayo.

Mahirap man tinatahak wag huminto
Kung may pagsubok wag matakot mabigo.
Pagkabigo ay kasama sa proseso,
Upang pagtibayin iyong pagkatao.
At dito sisibol ang bagong si Ako.

Sa sarili ang tunay na pagbabago
Hindi ito si ikaw, sila o tayo.
Hindi ito mabilis o “ora mismo.”
Bigyan itong panahon upang tumubo.
Upang sumibol si Ako at mabuo.

Lahat tayo’y may kanya kayang talento
Iba’t ibang klase ang ating talino.
Kung kadakilaan ang hinahabol mo?
Hindi mo kinakailangang lumayo.
Nandiyan lang yan alamin sa sarili mo.

PHOTO CREDIT:
imgur.com
Photo Source

Kung nagustuhan ang inyong nabasa marapating "upvote" at "resteem." Mahalaga sa akin ang inyong opinyon sa aking gawa kung meron mang kayong mensahe o kumento malaya kayong isulat ito "comment field."

Salamat sa mga sumusunod:
Sa aking mga mentors sa steemit: @antonette @iwrite @purpledaisy57 @bobiecayao @mers @otom at mga team members ng steemit teams.

Salamat sa crypto community team:
@maverickinvictus
@jhiecortez
@lianron
@emdesan
@DeSMJ
@LhynnPoy
@dencanlas
@cryptodaleks
@rainbowme
@mariarubie
@dizzyapple

Sort:  

Feeling ko bumalik ako sa highschool at nag aaral ng tulang Filipino 😄

Lalim, ang lalim. Congrats for unleashing your tsunami-level creativity!

lol ako din eh nahirapan akong hugutin yung mga words kailangan ko pa si google hehehe

WOW!! Ang ganda sis, nakaka in love, hihi..

Salamat sis worth it talaga kung may nakaka appreciate ng work mo :)

Salamat sa pagbahagi nitong napakagandang tulang ito @ankarlie!


Mabuhay! Your post has been upvoted and resteemed by the @bayanihan curation team.

Maraming salamat sa pag upvote.

Eto ang tagos na tagos, sis. Wala ako masabi! Phenomenal!

Thanks sis. I always try to do my best in each of my post.

ganda naman! Tayo ang dapat unahin pero bawa't isa ay may kanya-kanyang suliranin. wow agree ako dito. Pero minsan sating mga sarili pala ang may kakulangan.

Thanks sis.

Galing-galing naman. Kahit saan magaling ka talaga @ankarlie kakainggit earnings mo hehe

Earnings wise it is okay. I don't focus on it too much kasi baka ma disappoint lang ako. Just keep on writing as one of my mentor always tell.

You are born an artist hehe, maybe if I really want to learn I need to enroll myself in a formal or tutorial drawing sessions, this time it will be just a wish. Keep on sharing your wonderful works and be an inspiration to all aspiring artist. Good luck and more power.

I joined steemit to earn a living but what i found here is something much much more wonderful. Earning is just part of it pero it gives a different kind of gratification. Sometimes we bump into some rough roads while we are here pero okay pa rin it goes with the territory. I love the sense of everyone sharing not the upvotes but sharing what they know so that everyone benefits. Kasi para sa akin my reponsibilidad ang nakakaalam sa mga walang alam or kulang ang alam. What we know we learned it from someone else so it is my duty to do the same. .. crypto mentor ko ang nagturo sa akin nun.. wala siyang inaasahang bayad ang pakiusap lang niya kung ano ang natutunan ko wag kong pagdamot sa iba.

napabasa tlga ako sa taas... hehehe.. :) job well done..

Thanks for taking the time to read my post.

Oh Gosh sobrang lalim. Mahina pa naman ako sa lit na Tagalog sad to say.
I could feel myself wanting to sit sitdown, drink a beer and listen to you say these words in a spoken word event!
Keep it up Ankarlie

Try ko lang muna sa tagalog bago ako mag try sa english :)... hmmm spoken word event pwede kaya tula na youtube video? I think that's a great idea. Pag whale na tayo pacontest tayo niyan :)

Congratulations @ankarlie! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of comments received

Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.
For more information about SteemitBoard, click here

If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

By upvoting this notification, you can help all Steemit users. Learn how here!

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 62932.98
ETH 3353.92
USDT 1.00
SBD 2.47