Magnolia Hotshots, pasok sa finals

in #basketball6 years ago



[Image Source]

Kagabi, tinalo ng Magnolia Hotshots ang defending champion na Barangay Ginebra Kings sa score na 112-108. Hindi na binigyan ng Magnolia ng isa pang oppurtunidad ang Barangay Ginebra na magkaroon ng game 5. Tinapos nila ang best-of-five series sa standing na 3-1. Pagkatapos ng 4 na taon, makakapaglaro ulit ang Magnolia Hotshots sa PBA finals.

Pinangunahan kagabi ng import ng Magnolia na si Romeo Travis ang laro na may kabuuang record na 50 puntos, 13 rebounds, at 2 assists. At dahil doon hinirang siya bilang Best Player of the Game. Habang si Paul Lee na naghihirap sa umpisa ng laro ay nakapagbigay sa koponan ng 11 puntos at si Ian Sanggalang naman na nakatulong sa koponan sa rebounding ay may 14 puntos at 6 rebounds.



[Image Source]

Lamang ang Barangay Ginebra sa first half ng laro at 10 puntos ang pinakamalaking lamang ang naibigay ng koponan sa Magnolia. Ngunit maganda ang pinakitang rotation ng Magnolia Hotshots at nakapag-ambag ang bench ng kabuuang puntos na 36 na puntos. Mahusay ang ipanakita ng bawat koponan sa seryeng ito at hindi akalain ng bawat tao na matatalo ng Magnolia ang number 1 na koponan sa ligang ito.

Hihintayin na lamang ng Magnolia Hotshots kung sino ang kanilang matutunggali sa finals. Sa kasalukuyan, naglalaban pa rin ang Meralco Bolts at Alaska Aces sa best-of-five semis na may standing na 2-1. Matatapos na kaya ng Alaska Aces ang serye kontra Meralco at haharapin ang Magnolia sa finals?

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 63362.14
ETH 2592.64
USDT 1.00
SBD 2.80