Bilang isang ina ang stretch mark, wrinkle at hindi makatulog ng sapat dahil sa anak
Para sa ating mga ina ang lahat ng ating sakripisyo para sa ating mga anak ay baliwala sa atin, ang mahalaga makikita lang natin sila masaya at malusog ito ay sapat, di na mahalaga sa atin na wala tayong tulog dahil sa pag aalaga sa ating mga anak, halos di na natin alam kung nakakain na tayo o Hindi upang maalagaan lang natin ng mabuti ang ating mga anak, dahil sa sila ang buhay natin,sila ang lahat lahat sa atin.
Masaya na at kampante tayong mga ina kapag makikita sila na walang nararamdaman, laking tuwa na nating mga ina kapag makikita natin sila na ngumingiti sa atin, parang langit na sa ating pakiramdam habang silay masaya, lahat ng lungkot at pagod ay na wala at napapawi dahil sa ngiti ng ating mga anak,dahil ang ating mga anak ay sila ang ating treasure o ating kayamanan, dahil ang ating mga anak sila ang nagpapawi ng lahat ng agam agam natin sa buhay.
Kahit na malaki ang ating mga suliranin sa buhay kapag nakikita natin ang ating mga anak tayo ay naging masaya na rin, kaya para sa atin na mga magulang pakaiingatan nating lagi ang ating mga anak upang silay di mawalay sa matuwid na daan, dahil sila ang ating kayamanan, kaya para sa mga anak mamahalin natin ang ating mga magulang lalo na ang ating mga ina dahil ang ating mga ina sila ang laging nagsakripisyo para sa atin, kahit anu aman ang ating gawin Hindi natin matutumbasan ang sakripisyong ginawa ng ating mga ina, kahit Hindi man natin matumbasan ang mga sakripisyong ito ang pagmamahal at pagpapahalaga natin sa kanila ay sapat na, kaya habang silay may buhay at ating nakikita ipadama natin kung gaanu sila kahalaga sa atin ang kung gaanu sila kamahal natin, lagi natin ipagdarasal ang ating mga magulang na silay bigyan ng mahabang buhay, dahil tayong mga anak ay pinakamamahal din nila tayo lahat ng sakripisyong ginawa nila para sa atin ay walang kapantay