To All Aspiring Writers: How to Start Writing?

in #pocketbook6 years ago (edited)

Being a published writer since I was nineteen for Precious Hearts Romances with three hundred titles under my pen name Sofia, one of my novels turned into TV series and two novels turned into short film, readers or aspiring writers as for writing tips. Since paulit-ulit naman ang mga tanong, I decided to write this blog.

Usual question na natatanggap ko. Maraming aspiring writers ang gustong magsulat pero di nila alam kung paano. Marami ang gustong maging writer pero di alam kung saan sisimulan.

Okay. This one is tricky. Tinatanong ko rin kasi ang sarili ko kung paano ako naging writer. Ang alam ko lang noong bata pa ako, hilig ko nang magsulat. Very observant din ako. Mahilig makinig sa usapan ng ibang tao. Yeah! Tsismosa ako hanggang ngayon. Mahilig din akong magbasa. Nasa elementary ako sabihin ng Filipino teacher ko na maganda daw ang essay na isinulat ko at may talent ako sa pagsusulat. Kailangan lang hasain. So. wala akong idea na may talent ako sa pagsusulat. I just... write.

Pangarap ko rin noong bata pa ako na maging broadcast-journalist. Got my training in campus journalism when I was in high school and eventually became the editor-in-chief of the campus paper. Took up Journalism in college and wrote for Precious Hearts Romances PHR_Novels before I graduated. At hanggang ngayon nasa kanila ako. Ibig sabihin, linya ko talaga ito.

Paano ang mga di naman nila linya, walang training, Walang nagsabi na may talent sila o nag-encourage sa kanila, di maka-attend ng workshop? Gusto lang talagang magsulat. Heto na!

  1. Kumuha ng ballpen at papel.

  2. Write.

Write anything. Ano bang iniisip mo nang mga oras na iyon? May gusto ka ba? May ayaw ka ba? Hindi naman kailangang buo agad ang idea. Just write. Gusto mo bang tumula? May pinapakinggan ka bang kanta at gusto mong gawan ng sarili mong opinyon ang tungkol doon? Napagalitan ka ba ng nanay mo? Nakita mo si Crush? Nairita ka sa Math subject n'yo or muntik ka nang masagasaan ng tricycle. Gusto mong isulat ang tungkol sa lamok? Isang salita? Isang sentence? Isulat mo ang nasa isip mo tapos dugtungan mo na lang.

Ballpen at papel para sa draft. Kung gusto ninyong direkta sa laptop or sa tablet or sa smartphone, bahala kayo kung saan kayo komportable.

Hindi naman kailangan perfect agad. Just start with a thought. Ginawa ko itong exercise na ito sa pamangkin ko na six years old dahil nagpa-practice siya ng pagko-construct ng sentence. Later on, gumagawa na siya ng sarili niyang kwento. Nothing serious. Sarili lang niyang trip na kwento. Kung kaya ng six years old na magkwento, I am sure kaya mo rin. Isulat mo lang lahat ng ideas mo. The polishing will come later.

  1. Write to express not to impress.

Wala namang masama na maging ambisyosa. Bongga nga kapag may ambisyon. Pero wag kang magmadali. Kung nagsisimula ka pa lang, doon ka muna sa safe na topics. Doon ka muna sa pamilyar ka. Nagpa-practice ka pa lang naman. Mas alam mo ang isinusulat mo kung pamilyar ka sa topic or na-experience mo. Mas naiintindihan mo ang ginagawa mo.

Ang mahirap kapag ambisyoso agad ang topic mo na wala kang alam at di naman nagre-research, di napapangatawanan ang isinusulat nila. Kung nagsisimula ka pa lang, magsimula muna sa simple.

  1. Share it.

Either you submit it to a publisher, post it on Wattpad and Booklat or ask your friends to read it. Mahalaga na i-share mo ang ginagawa mo sa iba. May iba diyan na natatakot daw sila kasi baka laitin, etc., Walang mararating kung takot ka. Ikaw lang makakabasa ng gawa mo. Ang kritisismo ay bahagi ng buhay. Kung puro ka takot, di ka mag-i-improve. Huwag mong isipin ang kritisismo at rejection na balakid. Isipin mo na parte iyon ng buhay. Di iyan katapusan ng mundo. Makakatulong iyan para mag-improve ka.

Kung ako lang ay takot sa rejection, wala akong 300 plus novels ngayon. Yes, three hundred plus novels. And it all started with a single word.

You can now start writing. :) Ano ang first word or sentence na isinulat mo?22255056_1895128133835878_1321863220341551922_o.jpg

Sort:  

Hi Ms Sofia! Welcome to Steemitsphere [Steem blockchain]! Congrats for getting approved... Enjoyed reading your writing tips. Excellent as always!

Check out #LoveBooster daily for a dose of love & inspirational stuff.

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.12
JST 0.027
BTC 64595.89
ETH 3413.52
USDT 1.00
SBD 2.31