My Actifit Report Card: October 18 2018

in #actifit6 years ago

Ilang basket ng labahin ang sunod sunod kong isinalang ngayon sa washer. Laking pasasalamat ko na nariyan siya dahil pihadong napakasakut ng likod at balakang ko kung mano mano kong nilabhan lahat iyon. Pero ganun pa man, nakakapagod pa rin.

Reyna na yata akk ng multi-tasking dahil nagawa kong maglinis, magluto, magpaligo ng makulit na bata, maglinis ulit at maglinis pang muli.

Hindi ko yata mabibilang kung ilang beses akong naglilinis ng bahay sa loob ng isang araw. Oh well. Ganoon naman din talaga kapag may bata sa bahay.

Darating ang panahon na magiging malinis na palagi ang bahay. Lagi ko na lang iniisip na bukod sa dagdag ehersisyo ito, dapat ay namnamin ko ang mga panahong bata pa siya.

Hanggang sa muli!

3450
House Chores

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 64513.89
ETH 3155.04
USDT 1.00
SBD 4.00