Pera Na - Ikatlong Bahagi

in #philippines8 years ago

images.jpg
Source

Hindi ko muna isinara ang pintuan at nagtanong kay Papa

"Bakit pa kailangan isara ang pintuan Pa kung may ipapakita ka lang naman?"

"Wag ka nang magtanong-tanong pa dyan! Isara mo nalang!" Sigaw nya

Oh my! iba na tong nasa isip ko Papa bawal to! Anak mo ako dugo't laman! Ikaw na ang nagbigay buhay sa akin. Papa wag po! (Habang nakasandal ako sa may pintuan at nag wa walling.)

"O anong drama na naman yan! Sabi ko sa iyo tigil-tigilan mo na yang kaka K-drama mo eh. Hindi talaga maganda yan sa pag-iisip mo."

Ayun isang kutos ang natanggap ko mula kay Papa, mula sa estante kinuha nya ang isang maliit na kahon. Sympre alam ko na agad ang nasa loob non. Sa liit nito at singsing lang ang magkakasya doon at excited akong makita yun.

Binuksan ni Papa ang kahon na munti at tumambad sa akin ang isang napakagandang singsing. May malaki itong diamante. Tinignan ko maigi ang singsing at sobra akong nabighani sa ganda nito sinukat ko sympre at saktong sakto!

"Gwapo kong Daddy di ko naman birthday pero thank you talaga kahit na sobrang sabaw ka lagi at mahilig mag-inom di ko ine expect na ganito ka pala ka galante" ( Ginamit ko ang super pabebe kong boses dito )

"Ay nako quota ka na ngayong araw sa pagiging assumera mo anak. Para kay Mama mo iyan. Inipon ko nang maigi yan para may maipambili ako ng singsing para sa kanya. Rinig mo naman kanina kung paano magpatama ang magaling mong Mama diba. Nako ganun lang yun! Masama lang ang tabas ng dila pero di naman ganun kasama ang ugali. Kaunti lang." Sambit ni Papa

Sobra syang namumula sa pinagsasabi nya naisip ko sino kaya ang pabebe sa aming dalawa ngayon. Nako kung di ko lang Papa to nabatukan ko na to sa pagiging pabebe.

Ayun pinagplanuhan na namin ni Papa kung paano ang proposal namin kay Mama. Ang siste ay pag-uwi nya mamaya galing sa trabaho ay wala si Papa sasabihin ko na nakila Benedict sya at the usual ayun nainom. Sympre magagalit si Mama kasi nga nainom na naman si Papa pero ang di alam ni Mama ay nakatago lang si Papa sa bahay at naghihintay na mamutok ang butsi nya tapos bigla nyang papatayin ang ilaw at pagbuhay ayun nandun si Papa sa harap nya.

Ang ganda ng plano namin ano? Sobrang nakaka inis na romantic sana talaga diba mangyari. Parehas na kaming excited ni Papa na mag gabi para makauwi na si Mama, nagpaalam muna si Papa na magtatago na dahil mag alas otso na ng gabi ilang minuto nalang ay nandun na si Mama sa bahay.

Lumipas ang trenta minutos at wala parin si Mama, baka naman na traffic lang sya. Alam mo naman sa EDSA nalang may forever, forever traffic pero bakit parang kinakabahan ako?

Hmmm... try ko ngang tawagan si Mama.


Hmm bakit kaya di pa nadating si Hana? Totoo kayang traffic sa EDSA? Kung taga squatters sila bakit may pambili si Michael ng diamond na singsing? Teka ano ba ang trabaho ni Michael at painom inom nalang sya? At ano ang mangyayari sa pagtawag ng narrator kay Hanna?

Ayan ang mga dapat nating abangan bukas sa series na ito. Muli ito ay galing sa malikot na imahinasyon ni @tpkidkai at anumang pangyayari na kaparehas sa totoong buhay ay pawag nagkataon lamang.

Narito ang Unang Bahagi ng Pera Na
Pera Na - Ikalawang Bahagi

Kung hindi mo pa nababasa ang aking mga akdang tagalog pwede mong i click ang links sa ibaba.

Siyang hindi na sinikatan ng araw –Unang Bahagi ( Isang Tagalog na Kwento)
Siyang hindi na sinikatan ng araw - Ikalawang Bahagi
Siyang hindi na sinikatan ng araw - Ikatlong Bahagi || Ang Alamat ni Berto||
Siyang hindi na sinikatan ng araw - IKa-apat na Bahagi
Siyang hindi na sinikatan ng araw - Huling Bahagi (Wakas)

Medyo heavy ba si buhay pwede mong basahin ang munti kong likha

Minsan hinabol ko si umaga.

I am a part of @steemitfamilyph. Join us!

Be a member on our Facebook page -- Click this Link26782208_1896551410355606_2089920575_o.png

If you would like to support initiatives on community building and enrichment, kindly check out @steemph, @steemph.cebu, @steemph.iligan, @steemph.davao, and @steemph.manila

Consider casting your witness votes for @precise, @steemgigs @cloh76.witness, and @ausbitbank who have been adding an invaluable contribution to the community.

To cast your votes, just go to
https://steemit.com/~witnesses
DQmSeLb1YWa5LzPq2XpbcbGciGtfdrZCjGmscgqWaXo6gef.png

Sort:  

Malikot talaga ang iyong imaginasyon @tpkidkai! I love it. Sna mabasa mo ung mga comments ko sa part1 & 2. Hanggang sa susunod n kabanata! Salamat😄

Yep bawat comments may reply na dun sympre :) hahaha wala meng voting power ngaun kaya di ako makapag upvote naubos sa pa contest ni mayor nitong nakaraan lang.

Salamat sa pagtangkilik sa kwento bukas marami pang mangyayari. Medyo late na ang update ko nito hahahah

Iba ka talaga!!..

Hahah salamat kapatid sa pagbasa. Grabe tong series na to rom-com themed naman daw hahha.

Haha grabe ang twist bro .. Kalako yung birdie o ibon ni Michael ... Haha nice one ..:) @tpkidkai

hahaha more to come pa! Nako nauubusan na ako ng plot twist dito sa series na to.

Coin Marketplace

STEEM 0.05
TRX 0.33
JST 0.080
BTC 63435.26
ETH 1684.80
USDT 1.00
SBD 0.41