Nostalgia

in #theartiest8 years ago

Sa saliw ng katahimikan ng dilim, mga parirala't pangungusap ay nag iindakan sa aking isipan. Animo'y maiingay na kuliglig na gumagambala sa katahimikan ng gabi. Hiling ko sana'y ang mga ideyang ito ay tungkol sa mga masasayang pangarap na bubuuhin natin. Ngunit sa kasamaang palad ang aking nabuong sanaysay ay bunga lamang ng iyong paglisan.

Hindi ko parin mawari sa aking isipan kung paano nga ba nagwakas. Bakit ako naririto't naiwang luhaan? Bakit tila ako nalang ang nagdaramdam? Bakit tila ako nalang ang pilit na tumatakbo tungo sa liwanag? Bakit naiwan ako sa ating paglalakbay? Mahal, asan ka na? Narito parin ako. Hihintayin kita.

Hindi ba't sabi mo mamahalin mo ako kahit anong mangyari? Hindi ba't sabi mo basta't hindi kita sasaktan mamahalin mo ako? Mahal, asan na yung pagmamahal mo? Nagkulang ba ako? Nasaktan ba kita? Hindi na ba ako karapat dapat sa pagmamahal na yun? Mahal, sagutin mo ako. Hirap na hirap na ako.

Mahal, ang hirap. Masakit. Sobrang sakit. Ako'y pagod na. Nais ko ng sumuko. Pero paano ba ang sumuko kung ang tanging nais ng puso ko ay lumaban pa. Parang ayoko ng sumapit pa ang dilim dahil sa likod ng katahimikan nito sumisigaw ang aking damdamin ng mga hinaing na nais iparinig sayo. Sa gitna ng dilim ko lamang naibubuhos lahat ng luhang maghapon kong inipon dulot ng bawat segundong pag iisip sa iyong paglisan. At sa tulong ng mala musikang katahimikan nito, naisasatitik ko ang aking lubos na pag-ibig, pangungulila, hinanakit at pag-asa na baka sakali sa dilim kung saan mo ako binitawan ay muli kang magbabalik at ako'y sasamahang tahakin ang kinabukasang sabay nating bubuuhin.

Mahal, sana. Sana...

Sort:  

Congratulations @theartiest! You received a personal award!

Happy Birthday! - You are on the Steem blockchain for 1 year!

You can view your badges on your Steem Board and compare to others on the Steem Ranking

Do not miss the last post from @steemitboard:

Are you a DrugWars early adopter? Benvenuto in famiglia!
Vote for @Steemitboard as a witness to get one more award and increased upvotes!

Congratulations @theartiest! You received a personal award!

Happy Steem Birthday! - You are on the Steem blockchain for 2 years!

You can view your badges on your Steem Board and compare to others on the Steem Ranking

Vote for @Steemitboard as a witness to get one more award and increased upvotes!

Coin Marketplace

STEEM 0.04
TRX 0.32
JST 0.083
BTC 60762.96
ETH 1565.09
USDT 1.00
SBD 0.47