#burnsteem25/The Diary Game / A Day of Face to Face Class/ 05-31-2022

in Steemit Philippines2 years ago (edited)

Kumusta po ang lahat,! Sana po ay masaya at magaan nating sinasalubong ang bawat umaga.

photocollage_20225312137197.jpg

Napakaganda po ng buhay, punong-puno ng kulay.
Hindi man natin nakikita ang ganda , pero nararamdaman natin ang saya. Na sa bawat araw ay ginigising tayo ng nakangiting umaga na tila ba sinasabing tumayo ka, huwag kang huminto sa paggawa ng mga bagay para sa iba. Dahil kung anuman ang mga mabubuting buto ang iyong itinanim, hayaan mong diligan ito ng ulan ng pag asa at ibabalik din sa iyo sa tamang panahon . Hindi man natin matitikman ang matatamis na bunga , masaya tayong nakikita na ang bawat hirap nating pakikibaka ay marami ang naging masaya.

IMG20220531093606.jpg
Pangalawang araw ng face to face class ko po. Ang aking klase ay binubuo ng 15 ka mag aaral. Pero 12 lang ang dumating. Pero kung iisipin ay marami na sila ikumpara sa ibang klase na halos kalahati lang dumating.
Hindi ako yung tipong guro na hindi pa sumisikat ang araw ay nasa classroom na. Ako po ay katulad ng iba na palaging naghahabol ng oras sa umaga umabot lamang sa ika 7:29 ng umaga. Minsan nga iniiwan ko na ang aking sapatos sa classroom para in case may emergency visitors o activities madali kong mahagilap. Dahil kadalasan mas mahal namin ang aming tsinelas kaysa isang pulgadang heels.

IMG20220530083152.jpg
Nakikita ko sa mukha ng kabataan ang saya . Sabik na sabik silang bumangon muli. Punong puno ng pag asa may kaunting takot man na harapin ang mga hamon ng pag aaral.
Tulad nating mga matatanda mas gusto din nilang bumalik sa normal ang lahat.

IMG20220530083208.jpg
Sa pagsisimula ng klase ay ibang henerasyon ang aking nakikita. Iba na ang kanilang pananaw sa buhay at paligid nila. Iba ang paraan ng kanilang pakikibaka. Hindi pa namin sila gaanong kilala. Sa pangalan , sa ugali at ang paraan nila .
Kalahating araw ko lang silang makasama. At sa mga sandaling yon ay ang una kong naramdaman ay ang kanilang ninanais na makitang muli ang mundo. Matatapang at malalakas na ang kanilang mga kalooban. Ilan ilan lang ang napapansin kong hindi pa handang iwanan ang kanilang mga tahanan at ang mga taong palagi nilang kasama. Sandali lang naman , kunting oras lang naman makita lang nila ang labas ng kanilang mundo. Kami ay magiging bahagi ng kaunti nilang kaalaman. Ang malawak nilang karanasan ang siyang huhubog sa kanilang pagkatao. Kaming mga guro at mga magulang , may gagampanan man , sa huli sila parin ang magpapasya. Sa kanilang paghakbang pauwi ay babaunin nila ang napakagandang karanasan. Sana po ang maliit na buto ng kabutihan ay didiligan at aalagaan sa kanilang mga tahanan.

Thank you so much for the upvotes. Your kindness mean so much to us .
And good day to @jes88 @georgie84 @kyrie1234 @sweetspicy @bisayakalog @steemitcebu
God bless and maraming salamat po.

Sort:  
 2 years ago 

Good job mam maureen

 2 years ago 

Thanks mam jess

 2 years ago 

lubos na nagagalak talaga ang mga studyante natin sa pagbabalik ng face to face classes..

totoong mahirap maglakad pag naka heels.. dapat flat shoes nalng sana noh?

 2 years ago 

Nakikita natin sa kanilang mga mata mata , sana po magiging normal na ang lahat sa susunod na mga taon

 2 years ago 
StatusRemark
Club status#club5050
#steemexclusive
Verified member
Not using bot
Word Count460 words
Plagiarism Free
Delegator

Luzon Mod,
@junebride

 2 years ago 

Hi! Thank you for creating a high quality post for Steemit Philippines community! This article has been recommended for Booming support. Check it out here: Steemit Philippines Top Three Posts of the Day | Recommended Posts for Booming Support | 06-01-2022

Luzon mod,
@junebride

 2 years ago 

All I could say is thank you ,

Coin Marketplace

STEEM 0.21
TRX 0.20
JST 0.034
BTC 90284.37
ETH 3086.81
USDT 1.00
SBD 2.93