“Word Poetry Challenge #10 : Pangarap”
Halika at ikaw ay tumayo na
Takbo ng buhay mo’y umpisa ng aarangkada
Simulan mo na at kumilos ka
Upang makamit mo na ang matagal na tinatamasa
Narito ako at handang aalalay sayo
Kung pagod ka, tawagin mo lang ako
Kung gusto mo umiyak, narito ang balikat ko
Handang samahan ka sa daang tinatahak mo
Ito’y iyong maaabot basta ikaw ay magsikap
Naghihintay na ang magandang hinaharap
Sa wari ko, tagumpay ay simula mo ng malalanghap
Manalig ka, maniwala ka, ito ay magaganap
Hudyat ng pagkakaroon ng panibagong pagasa
Kung sa tingin mo hindi mo na kaya
Ipikit mo lang ang iyong mata
Pangako ko, ako’y iyong makikita
Maging positibo at wag ng magisip isip pa
Dahil sigurado ako , ito’y iyong makakaya
Basta kapit ka lang sakin at wag kang mangangamba
Sapagkat asa akin ang awa, nasayo naman ang gawa.
Itong tulang ito ay aking iniayon sa aking tunay na buhay. Sadyang isa akong patunay na andyan lagi ang ating Panginoon na syang laging gagabay sa ating mga hangarin sa buhay. Maniwala, Manalig, at ito ay mangyayari! Salamat po sa pagbabasa.
Ito po ang aking akda para sa PATIMPALAK ni Ginoong @jassennessaj na may temang “Pangarap”.
Napakahusay mo talaga alamat na @oscargabat
Mas lodi kita alamat @cradle 😁
Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by oscargabat from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.
If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.