The Diary Game Season 3|| Ang Samaritan Purse OCC Bible Study namin na si Jicel ang nagturo 😇🙏☝️
Isang Maligaya at Masaganang araw sa ating lahat!
Ngayong araw masaya ko na namang ibahagi sa inyong lahat ang mga magagandang kaganapan sa aking buhay lalong lalo na sa aking mga gawain para sa Dios tulad na lamang ng aming Children Ministry na kung saan naging matagumpay ang mga gawain namin sa dawalang schedule namin na tinuroan.
Ang aming mga gawain nga para sa Dios ay nagpapatuloy at laking pasasalamat namin sa Dios tungkol dito. Marami ang aking pasasalamat sa Dios dahil ang mga Youth din namin ay naging aktibo sa mga gawaing ito tulad na lamang ni Jicel na siya mismo ang inatasan kong mag turo sa mga bata habang ako naman ang naka assign para sa mga laro.
Mga nasa oras nga iyon na 1:30 ng hapon kami nakapag simula ng aming mga Children Ministry at ang una naming ginawa ay ang paglalaro para maging masaya naman ang mga bata bago ang aming pagtuturo. Ang laro nga namin ay follow the leader na kung saan kung ano ang sasabihin ko ay dapat nilang sundin at naging maayos nga ang lahat dahil sa bawat sasabihin ko ay sinusunod nila at kitang kita naman na nasiyahan silang lahat.
Pagkatapos ng aming masayang laro medyo napagot din ang mga bata kaya nag pahinga muna kaunti bago nag simula ang pagtuturo ng aming Youth na si Jicel. Ilang saglit nga ay nagsimula na ang pagtuturo ni Jicel sa mga bata habang ako naman ay bumil ng pang snacks ng mga bata. Napakasayang makita na naging maayos ang pagtuturo ni Jicel dahil nakinig talaga ang mga bata sa kanya kahit na medyo bata pa rin itong si Jicel, 16 years old pa lang pero kitang kita ang kanyang dedikasyon sa kanyang pagtuturo sa mga bata at salamat sa Dios tungkol dito.
Natapos ang aming Children Ministry sa Chur h namin mga 4:00 na iyon ng hapon kaya umuwi na din kami sa aming mga bahay dahil meron pa kaming ikalawang Children Ministry sa ngayon naman ay para sa aming aking mga pamangkin na mga bata. Sa ngayon ay si Jicel pa rin ang aking ina assign na magturo sa mga bata para din itong training para sa kanya kaya nag assist na lang din ako sa kanya. Malaking tulong talaga na ma train ang aming mga kabataan sa Church sa mga ganitong gawain dahil darating din ang panahon na sila na mismo ang gagawa nitong mga gawain para sa Dios.