The Diary Game Season 3|| Ang Napakasaya at Matagumpay na Sport Fest (Basketball at Volleyball) 😇🏀🏐

in Steemit Philippineslast year (edited)

Isang Maligaya at Masaganang araw sa ating lahat!

Maraming magagandang kaganapan nga ang nangyari lalong lalo na para sa mga kabataan sa aming section dahil nagsagawa kami ng Sport Fest na merong larong Basketball para sa mga lalake at Volleyball naman para sa mga Babae. Ito ang unang pagkakataon na nagsagawa kami ng Sport Fest para sa mga kabataan na isa nga ako sa mga leader nito lalong lalo na sa aming Circuit, at nagpapasalamat ako sa Dios dahil naging matagumpay ang unang buwan ng aming Sport Fest.

20230424_210134.jpg

Dahil nga sa ako ang leader ng aming Circuit, naging abala talaga ako sa paghahanda nito kaya medyo na stress talaga ako pero salamat sa Dios dahil sa pagbibigay sa akin ng lakas upang madala ng ma ayos ang Sport Fest namin kahit merong mga kaganapan hindi inaasahan.

IMG_20230422_091531_606~2.jpg

IMG_20230422_085556_7~2.jpg

IMG_20230422_085309_778~2.jpg

Mga nasa oras na 5:00 pa lang ng umaga ay gumising na ako dahil maaga mag sisimula ang aming Sport Fest at dahil ako ang leader kailangang hindi ako ma huli sa venue kaya nagmadali akong nag luto at agad agad ding kumain para mga 7:00 ay maka punta na ako sa Church ng AG Tuod dahil doon ang meeting place namin dahil mag fellowship pa kami. Mga nasa oras na 7:40 na ako nakarating doon dahil medyo natagalan ang mga kasama ko pero sa pag dating ko nga ay wala pang mga tao at nag hintay muna ako hanggang sa umabot ng mga 8:40 saka palang nakarating ang mga kabataan at nagsimula na din kami agad agad ng aming Fellowship kung saan ako ang nagbahagi ng mga Salita ng Dios at madali lang talaga para makapag simula na kami ng aming Sport Fest.

IMG_20230422_105254_555~2.jpg

IMG_20230422_104903_252~2.jpg

IMG_20230422_111443_9~2.jpg

IMG_20230422_111449_5~2.jpg

Mga nasa oras na 10:00 ng umaga na talaga kami nakapag simula ng aming Sport Fest at meron ngang mga naka assign sa Basket na kasama ko at meron din sa Volleyball. Dito nga ay merong dalawang game ang nangyari sa umaga sa Basketball at merong dalawa din sa hapon.

Habang sa Volleyball naman ay meron din dalawang laro sa umaga pero isang laro lang sa hapon dahil limang team lang talaga ang nagpasa pero sobrang saya din naman ng mga pangyayari. Meron ngang mga nangyari pagkukulang dahil kulang ang referee, kulang ang mga gamit pero salamat sa Dios dahil natapos ang Sport Fest namin ngayon na masaya ang lahat dahil nakapag laro sila at higit sa lahat nakapag fellowship din sila sa Isa't isa.

IMG_20230422_153617_479.jpg

Natapos ang buong laro sa araw na ito mga nasa oras na iyon na 4:00 ng hapon at bago maka uwi ang lahat ay nakapag picture mona ang lahat at ang susunod nga na laro ay sa June na naman.

Para sa Dios ang lahat nang Papuri at Pasasalamat!!! 😇🙏☝

Mabuhay ang Steemit Philippines Community

@LOLOY2020
Achievement Task 1 | Facebook | Twitter

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.13
JST 0.030
BTC 65236.35
ETH 3483.12
USDT 1.00
SBD 2.51