The Diary Game Season 3||Ang Minister's Party sa Landap Beach Resort 🏖️🌊⛱️
Isang Maligaya at Masaganang araw sa ating lahat!
Malapit na ngang matapos ang taong 2022 at sa pagpasok pa lang ber months o September inaasahan nang maraming mga Christmas Party ang gagawin at meron din mga reunion kaya tiyak na marami na namang inaasahang regalong matatanggap ang regalong ibibigay pero higit sa lahat ang regalong nataggap natin sa Dios na ang pagsilang ng ating Panginoong Hesu-Kristo.
Ngayon nga ay ibabahagi ko sa inyo ang kauna-unahang Christmas Party na dinaluhan ko sa taong ito, ang Minister's Party na ginanap sa Landap Beach Resort.
Ang Minister's Party nga ay isang taonang celebration naming mga Pastors dito sa aming Section na ginagawa sa tuwing unang Sabado ng December at sa taong ito nga ay ginanap na naman ito sa Landap Beach Resort na kung saan noong nakaraang taon ay dito rin ang venue. Dito nga sa aming party ay merong mga bigayan ng mga regalo, mga parlor games, kainan at hinding hindi mawawala ang aming fellowship at pagbahagi ng mga Salita ng Dios ng aming Section Presbyter.
Nakarating nga ako sa venue mga nasa 9:30 na ng umaga dahil meron pa akong ginawa, nagpa ID picture mona ako para gagamitin sa aking renewal ng aking pagka Pastor. Sa pagdating ko nga sa Venue ay ka unti pa ang nandoon at nag set up ng mga sound system. Mga ilang sandali lang din ay unti-unti nang dumarating ang iba pang mga Pastors dahil mga ilang sandali lang din ay masisimula ang aming Party.
Ilang sandali nga ay maraming mga Pastors na ang nakarating at sinimulan na ang aming Party. Sinimulan ito ng opening prayer at sinundan din agad-agad ng Praise and Worship. Pagkatapos ng aming pagbigay papuri't pagsamba sa Dios ay nagbahagi na din ng mga Salita ng Dios ang aming Section Presbyter na nagbigay sa amin ng encouragement bilang isang Pastor at para sa darating na bagong taon.
Mga nasa oras na 11:00 ng umaga natapos ang unang bahagi ng aming Party at sinundan din ito agad-agad ng mga Parlor games habang naghihintay na maayos ang mga pagkain. Habang kami na ang fill up ng aming mga newal form dahil sa araw na ito kukunin, nagsimula na din sila sa unang laro, ang Tug of War na merong mga category para sa mga babae at meron din sa mga lalake. Mas naging masaya nga ang aming Party dahil sa mga laro, na inaasahang hindi ito mawawala sa tuwing merong party tulad nito.
Ngayon ay oras na ng aming pananghalian habang kami ay kumakain na ay abala naman ang iba sa interview para sa mga bagong nag apply pagka Pastor at ang isa nga sa mga ito ay ang aking kaibigan at kapatid ng aking kasintahan. Mga ilang araw nga ang nag daan ay nagpa tulong siya sa akin at tinulongan ko naman siya pero hindi lahat dahil mas maganda na siya mismo ang mag aral para makapag handa siya ng mabuti at alam niya ang gagawin niya. Siya mismo ang unang tinawag para sa interview at noonh natapus ay merong mga ipinabago at ipinadagdag para sa final interview na gagawin at sana nga ay matanggap sila, ito ngang kaibigan ko ay 18 years old lang at ang pinaka bata ay 17 years old pa lang.
Kinahaponan nga ay nagpatuloy ang iba pang mga parlor games habang nagpatuloy din ang mga interview ng mga bagong aplikante. Medyo marami nga ang mga bagong aplikante at karamihan sa kanila nga ay mga kabataan na pang dagdag sa mga Youth Pastors na makakasama namin. Sa mga Parlor games nga ay hindi ko pinalampas ang pagkakataon na makasali sa laro para maka bonding din ang iba pang mga Pastors, at syempre meron din kaming nga larawan kasama ang ilang mga youth na naka dalo din sa party.
Mga nasa 2:00 ng hapon natapus ang mga laro at ang interview ay nagpatuloy pa rin. Ngayon naman ay namahagi naman ng regalo ang aming section para sa aming lahat, tinawag nga kami bawat isa para sa regalo at nag announce na rin ng mga winners para sa mga parlor games. Ngayon naman ay tinawag na kaming lahat ng mga Pastors para meron kaming picture lahat na gagamitin para sa gagawing Calendar. Dito nga tapos ang aming Minister's Party na talaga namang napaka saya at memorable dahil ito ang unang beses na naka sali ako sa party dahil nga sa bago lang akong Pastor mag isang taon pa nitong buwan na ito.
Para sa Dios ang lahat nang Papuri at Pasasalamat!!! 😇🙏☝
Mabuhay ang Steemit Philippines Community
@LOLOY2020
Achievement Task 1 | Facebook | Twitter
Thank you for contributing content here at Steemit Philipinnes Community.
Date verified: December 08, 2022
Keep creating quality content to have a greater chance of getting support from the curators.