The Diary Game Season 3 || Ang aming Church Service sa Patag at Outreach Sunday Service sa Acmac Iligan City 👉 #burnsteem25

in Steemit Philippines2 years ago (edited)

Isang Maligaya at Masaganang araw sa ating lahat!

Masasabi ko pong napakasaya at masarap mag lingkod sa Dios dahil sa kanya lamang natin matatagpuan at mararanasan ang totoong pagmamahal na hindi natin natatamasa sa iba. Marami ngang mga pangyayari sa aking buhay na sa Dios ko lang maipagpasasalamat dahil ang buti Niya sa akin sa bawat araw na nagdaan.

Ang ibabahagi ko sa inyong lahat ngayon ay ang nagdaang Sunday Service namin sa Patag Manticao Misamis Oriental at ang Outreach Sunday Service namin sa Acmac.

20221114_225101_0000.jpg

Para sa araw nga na ito naka assign ako sa Simbahan dito sa isa sa aming Barangay ng aming lungsod ng Manticao dahil sa dalawang Simbahan ako ngayon nag seserve kay Lord.

photocollage_2022111423156411.jpg

Mga nasa oras na 8:00 ng umaga nakarating kami sa Church dito sa Patag Manticao Misamis Oriental pero bago kami nag sa aming pagsamba dito sa Simbahan ay nag punta muna kami sa bago naming masasabing member kahit hindi siya pumupunta sa Church pero nagsasagawa kami ng sinasabing Simbalay na kung saan dito kami sa kanilang bahay nagsasamba at nagpapasalamat sa Dios. Dito nga ay meron din kaming mga testimony at mga pagbibigay papuri't pagsamba sa Dios sa pamamagitan ng mga awitin at higit sa lahat ang pagbahagi ng mga Salita ng Dios dahil ito ang isa sa pinaka importante para sa ating lahat.

photocollage_202211142323573.jpg

Mga halos 10:00 na iyon ng umaga kaya tinapos na namin ang gawain namin doon sa bahay ni nanay kung kaya nagpunta na kami agad doon sa Church para makapag simula na nang aming gawain din dito at ako mismo ang emcee at praise and worship at para sa Salita ng Dios ay ang naka assign ay ang ka partner ko sa ministry dito na si Ptr @quilvz at natapus kami dito mga halos 12:00 at agad-agad umalis din kami dahil meron pa kaming gawain naman pag sapit ng hapon.

photocollage_20221114231738653.jpg

Pagsapit ng mga 12:00 nga ay nagpunta na ako sa original na Church kung saan ako nag simula at ito ay sa Camanga. Pagdating ko nga ay agad-agad kumain ng pananghalian dahil medyo gutom na din ako at meron pa nga din kaming gagawin pagka hapon. Bago nga kami umalis ay nag groufie muna kaming lahat ng mga Youth at saya naming lahat.

photocollage_20221114231827132.jpg

Nakarating naman kami dito sa Acmac Iligan City mga 2:00 na ng hapon dahil nag byahe pa kami mga 45 minuto mula sa aming Church. Mga ilang minuto lang din ay nagsimula na kami sa aming gawain dito at bawat isa nga sa amin ay nagnahagi ng mga testimony at sinundan din ito agad ng mga awiting pagsamba at pasasalamat sa Dios.

photocollage_20221114231845581.jpg

Sa outreach fellowship nga namin ay ako ang naka assign na mag bahagi at taus puso ang aking pasasalamat sa Dios dahil sa walang sawang pagbibigay sa akin nang kaalam at paguunawa sa mga Salita ng Dios dahil kung wala ang tulong ng Dios ay hindi ko maintindhan kung ano ang gustong ipaliwanag ng Dios. Mga nasa 5:00 na iyon ng hapon nang matapos ang aming gawain dito Acmac at salamat sa Dios sa lahat ng protection na ibinigay Niya. Mga nasa 6:00 din ay nakapag desisyon na kami na umuwi sa aming mga bahay-bahay dahil meron pa kaming iba pang gagawin, at salamat sa Dios dahil naka uwi kami ng masaya at puno ng pagmamahal sa Dios.

Para sa Dios ang lahat nang Papuri at Pasasalamat!!! 😇🙏☝

Mabuhay ang Steemit Philippines Community

@LOLOY2020
Achievement Task 1 | Facebook | Twitter

Sort:  
 2 years ago (edited)

go bro, masayang mamuhay kapag kasama talaga natin ang Dios... panatag at laging may pag-asa😊

 2 years ago 

You've got a free upvote from witness fuli.
Peace & Love!

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.16
JST 0.030
BTC 59400.36
ETH 2498.50
USDT 1.00
SBD 2.47