The Diary Game Season 3 ||Ang aming Cell Group Fellowship sa Handayan Family, sa Paniangan, Manticao Misamis Oriental 👉#burnsteem25

in Steemit Philippines2 years ago

Isang Maligaya at Masaganang araw sa ating lahat!

Maraming mga pangyayari sa ating nga buhay na tanging sa Dios lamang natin maipagsasalamat dahil sa walang sawa Niyang pagmamahal at pagbibigay sa ating ng lakas at buhay kung kaya sa bawat gawain na nangyari sa aking buhay at ipinagpasalamat ko sa Dios lamang.

Nagpapasalamat nga ako sa Dios dahil sa meron na kaming Cell Group Fellowship dito sa amin na siyang isang paraan upang mapatibay ang aming paniniwala sa Dios at relasyon namin sa bawat isa bilang kapatiran.

jpg_20220926_181633_0000.jpg

Nitong nakaraang linggo nga ay nangyari ang aming pinaka unang Cell Group Fellowship na siyang ipinagpasalamat ko sa Dios dahil sa wakas ay meron na kami dito sa amin. Ngayon naman ay ibabahagi ko ang pinakabagong Cell Group Fellowship namin sa isa sa aming membro at ito ay sa Handayan Family dito mismo sa aming Barangay.

photocollage_2022926192629359.jpg

Umaga pa nga ay excited na kaming lahat para sa gawaing ito dahil ito rin ang unang fellowship sa membro naming ito, medyo bago pa nga namin silang membro at nagpapasalamat kami sa Dios dahil tinanggap nila na sa kanilang bahay mag fellowship at saktong sakto din dahil wedding anniversary nila.

Mga nasa oras na 5:00 ng hapon nga ay nagpunta na kami sa kanilang bahay at sabi pa nga nila na mga alas 3:00 pa lang ng hapon ay naghanda na sila. Pagka dating din namin ay agad kaming nagsimula sa aming gawian.

photocollage_2022926193021872.jpg

Sinimulan namin ang lahat sa pamamagitan ng dasal at sinundan din ng pagbahagi ng mga testimony ng bawat isa sa amin. Sa pagbahagi nga ng mga testimony ay nagpapatunay na talagang napaka buti ng Dios. Sa testimony din ng aming bagong membro ay naibahagi niya kung gaano kabuti ng Dios sa kanilang mga buhay mula noong nagpakasal sila hanggang ngayon na nasa ika apat na taon sila, wala pa naman silang anak pero masaya parin sila.

IMG_20220913_180649_1~2.jpg

Ngayon naman oras na upang bigyang papuri at pagsamba ang Dios sa pamamagitan ng aming mga pag awit sa Dios at ako mismo ang nag dala sa mga kanta, salamat talaga sa Dios sa bawat gawain na magamit ako para sa Kanya. Walang sa amin sa lahat ng mga ito dahil para lang sa Dios ang lahat.

IMG_20220913_181942_174~2.jpg

Pagkatapos ng aming pagbibigay papuri't pagsamba sa Dios sa pamamagitan ng mga pag awit ay sinundan din ito agad ng pagbahagi ng nga Salita ng Dios na pinangunahan ng aking tiyahin na si Mamason. Dito nga ay ibinahagi niya ang tungkol sa pamilya lalong lalo na't ngayon nga ay nagdiriwang din ng wedding anniversary ang bagong membro namin at alam namin na yong mga Salita ng Dios ay nakakatulong din sa aming lahat.

photocollage_2022926213643643.jpg

Ngayon naman ay oras na sa isa sa pinaka mahalagang parte ng aming fellowship ang prayer request ng pamilya na kung saan kami nga fellowship at ito ay ang pamilya Handayan. Isa lang naman ang panalangin nila na magkaroon na sila ng anak at tiyak na ibibigay ito ng Dios sa kanilang pamilya.

photocollage_202292621533979.jpg

Mga nasa oras na 7:00 ng gabei na iyon ng matapos kami sa aming cell group fellowship at pagkatapos nga ay pinagsalohan namin ang mga pagkain na inihanda nila sa aming lahat para sa gawain namin at busog na busog kaming lahat. Dahil nga din medyo gabi na at meron pa kaming dapat puntahan at gawin, ilang minuto nga ay umuwi na kami ng masaya at puno ng pasasalamat sa Dios.

Para sa Dios ang lahat nang Papuri at Pasasalamat!!! 😇🙏☝

Mabuhay ang Steemit Philippines Community

@LOLOY2020
Achievement Task 1 | Facebook | Twitter

Sort:  

Congratulations! This post has been upvoted through steemcurator06.

Curated By - @inspiracion
Curation Team - Team 3

TEAM 1

Congratulations! This post has been upvoted through steemcurator04. We support quality posts anywhere and any tags. Curated by : @msharif

 2 years ago 

God is good po talaga bro... ang gandang mamuhay kasama siya.

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.13
JST 0.030
BTC 65359.95
ETH 3492.90
USDT 1.00
SBD 2.51