The Diary Game Season 3 || Ang aming Bible Study sa Patag Manticao kasama ang mga kapwa ko Youth Pastors 👉#burnsteem25

in Steemit Philippines2 years ago (edited)

Isang Maligaya at Masaganang araw sa ating lahat!

Isa sa pinakamasayang ginagawa ko sa aking buhay ngayon ay ang magamit sa mga gawain ng Dios dahil sa walang sawang pagmamahal ng Dios sa akin na nagbibigay sa akin ng lakaw at pagasa sa bawat araw na dumaan sa aking buhay. Isang karangalan sa akin na magamit ng Dios sa kanyang mga gawain at itong lahat ay para lang sa kanyang kaluwalhatian at kapurihan.

jpg_20220917_205740_0000.jpg

Ibabahagi ko nga sa inyong lahat ang nangyaring Bible Study namin sa isang Barangay dito sa amin na kung saan doon kami ngayon naka assign na mag ministry kasama ang dalawa pa sa kapwa ko Youth Pastor na sina Ptr. @quilvz at Ptra. @emzcas.

IMG_20220908_083657_678~2.jpg

Tuwing huwebes nga sa bawat linggo ay meron kaming Bible Study na ginagawa dito sa Patag Manticao at buong puso kaming nagpapasalamat sa Dios dahil sa ipinagkatiwala Niya sa amin ang gawaing ito. Mga nasa oras na 8:30 ay nagpunta na ako sa bahay ng aking mga kasamahan upang kunin sila dahil ako lang ang merong motor na pang service namin sa gawaing ito. Bago nga kami pumunta doon sa bahay ng aming Bible Study ay nag pray mona kami na maging maayos at maging safe ang aming pag punta doon at maging matagumpay ang lahat.

photocollage_202291723845793.jpg

Nakarating kami doon sa bahay ng aming pinag Bible Study ng mga nasa oras na 9:30 na din iyon at salamat sa Dios dahil nandoon nga si Nanay at kanyang apo na handang makinig sa mga salita ng Dios. Ang una nga naming ginawa ay binuksan ko sa opening prayer at sinundan agad ng aming mga pag-awit at pasasalamat sa Dios na pinangunahan ni Ptra Emzcas at doon nga ay sobrang saya sa pakiramdam na makapagbigay ng pasasalamat sa Dios at nakita din namin na pati si Nanay ay nagbigay papuri't pagsamba sa Dios.

photocollage_20229172349398.jpg

Pagkatapos ng aming pagbibigay papuri't pagsamba sa Dios ay sinundan din iti agad-agad ng pagbahagi ng mga Salita ng Dios na ang nagbahagi ay ang kapwa ko Youth Pastor na si Ptr Quilvz na siya ring bagong host Pastor sa lugar na ito. Dito nga ay ibinahagi niya ang kung ano talaga ang Salita ng Dios at kung gaano ito ka importante para sa ating lahat na mananampalataya sa Dios at kahit na sa bawat araw na nagdaan sa ating buhay. Kitang kita nga ba buong pusong nakikinig si Nanay sa mga Salita ng Dios at nagpapasalamat kaming lahat sa Dios dahil dito.

photocollage_2022917233043298.jpg

Pagkatapos na makapagbahagi ng mga Salita ng Dios si Pastor Quilvz ay inihanda na din namin ang dinala naming Snacks para sa aming lahat. Bago kasi kami pumunta dito ay bumili muna kami ng pandesal at juice para pagsaluhan namin pagkatapos ng aming Bible Study. Doon nga ay na busog din naman kami sa aming snacks kahit simple lang ay ang importante ay nakapag bahagi din kami kahit papano na makakain namin.

Nagpapasalamat talaga kami sa Dios dahil naging matagumpay ang aming gawain sa araw na ito at umuwi kami sa aming mga bahay-bahay ng masaya at punong puno ng ngiti ang nga mukha.

Para sa Dios ang lahat nang Papuri at Pasasalamat!!! 😇🙏☝

Mabuhay ang Steemit Philippines Community

@LOLOY2020
Achievement Task 1 | Facebook | Twitter

Sort:  
 2 years ago 

God bless sa inyong mga pastor! Thumbs up bro

 2 years ago 

Amen bro.. God bless you din bro..😇

 2 years ago 

Mel ang ako pangitaon sa mga pictures ba sa imong post kay si Emzcas heheh

Great job in spreading the word of God. 🙏

 2 years ago 

ako pud nakalimot ko babae diay siya kay pastora, ang naa sa ako mind kay laki hehe

 2 years ago 

Heheheh

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.034
BTC 64231.88
ETH 3128.59
USDT 1.00
SBD 3.95