The Diary Game: June 30- 2022 - Ang pag bisita ko sa "Kushihiki Hachiman Shrine" Hachinohe Japan||#burnsteem25
Magandang araw po sa lahat ng Filipino sa buong mundo, kumusta po kayong lahat? Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan. Patuloy po tayong magsikap at labanan ang mga hamon sa ating buhay.
Ikinagagalak kung ibahagi sa inyo ang aking Diary ngayon kung saan ay namasyal ako sa isang Shrine malapit sa aming tirahan dito sa Japan. Ang tawag sa lugar na ito ay Kushihiki Hachiman Shrine. Ang kanyang lokasyon ay Aza-Hachiman-Cho, Yawata, Hachinohe City Aomori Japan. Dahil malapit na ang summer dito marami na kaming mga plano kung saan kami mamasyal bawat weekend namin para iwas boring days na rin.
Dahil wala kaming sasakyan, nag bisekleta kami papunta sa lugar na ito ng mahigit 20 minuto kasama ang isa kung kaibigan na Filipino. Palagi na talaga ako mamasyal sa lugar na ito lalo na kapag New Year, dito kami madalas mag bigay ng dasal bilang pag bigay pugay sa relihiyon ng Japanese. Nung dumating kami ay medyo pinapawisan kami dahil mainit sa daan. Nagpahinga muna kami sa ilalim mg mga malalaking puno.
Pagkatapos namin mag pahinga ay pumasok na kami sa Shrine. Sa entance palang ay may goosebumps na akong naramdaman. Ewan ko ba, dahil siguro sa tanda na ng Shrine na ito. Pinatayo ito noong 1222 (Edo Era) bilang alay sa mga Patron ng mga Japanese. Napakalinis ng lugar at tahimik. Madalas ang nga bumisita dito ay grupo o galing sa mga paaralan para sa isang cultural tour at may mga turista din na katulad namin. Mayroon din namang mga locals na gusto mag alay ng kanilang dasal dito.
Ito ang pangunahing gusali kung saan ang mga seremonya ng mga may katungkulan sa gobyerno ay ginaganap. Bago ka pumasok dito ay mag dasal ka muna at mag bow ng iyong ulo ng tatlong beses. Kahit hindi ako sanay sa gawaing ito, pero ito ay dapat sundin lalo na kapag hindi ka taga rito bilang respito sa kanilang mga panginoon.
Kung may mga wish ka, dito mo siya isulat sa maliit na na papel para daw makarating sa panginoon ayun sa kanilang paniniwala. Totoo man ito o hindi, wala naman sigurong mawawala sa ating kung susubukan ito. May ibat iba talaga tayong paniniwala. Ako bilang isang Christian hindi ako naniniwala sa mga ganitong bagay. Pero sinubukan ko pa rin.
Red Torii (gateway) ang tawag dito. Karamihan ito ay nakatayo sa mga gate ng temple. Kung saan ang ibig sabihin ay papasok ka sa isang sacred na lugar. Sa dulo naman ay may isang maliit na kubo kung saan pinapaniwalaan na naka lagay doon ang abo ng kanilang dating mga Emperor noong unang panahon. Isa din ito sa mga lugar kung saan may nakikita akong may mga nag alay ng dasal.
May mga malalaking puno ang naka paligid sa lugar. Siguro nga centuries old na rin ang mga puno. Ito ang isang buhay na saksi ng kasaysayan sa lugar na ito. Sa oras na iyon ay kailangan namin dumistansya sa lugar dahil may gagawing seremonya and mga opisyal sa lungsod. Siguro importante ang kanilang pag uusapan dahil may kasama silang mga taga media.
Hindi ko talaga akalain nga masaksihan ko ang itong lugar at kaganapan, akala ko sa mga palabas lang ng telebisyon ko ito makita ang ganitong mga Shrine at mga taong naka suot ng kimono ngunit sa araw na ito ay nasa harap ko na ang lahat na dati ay pinapangarap ko na makita sa personal.
Hanggang dito nalang,
@juichi
nice
hello sir, sana makabalik na magpost, nalimtan na nako ang proper tag. unsa may akong i-tag kon magpost sir @juichi? tga mactan nhs ko b4 sir, karon naa nako s buyong hs. thank you.
Naa dri maam, i check lang.
https://steemit.com/hive-169461/@juichi/list-of-tags-sought-by-curators-in-the-month-of-may
Salamat sir @juichi
Maraming salamat po.🙂
@fabio2614, MOD
murag pareha pareha ra ang nawong sa mga shrine sir noh? same sya ug nawong sa katong shrine na adtoan namo sa tokyo
Yes maam, morag in ana jud ang mga porma kasagaran.
kanindot magbike2 diara sir ba, daghan maagtuan, daghan pod nindot na view maagian.
Oo dhay,, summer is here na gyud! Bike ra gyud amo means of transportation ari.
Katahum sa place diha, Dong. Daku ang lugar nga pasyalan, lami kaayo magBike sa ing-anang lugar.
O te,,nice kaayo ilang lugar..maayo pagka atiman jud.
kanindot sa lugar sir. limpyo ug kadaghan trees!
Mao gyud maam...
helo @juichi , I've been reading about the community for support recipients from boom, and there's currently an update, and submissions on the boom support app for next month, is the STEEMIT PHILIPPINES community, haven't submitted this, I've seen it, there are some communities that already applied for boom support, and here is the information link
https://steemit.com/steem/@steemitblog/steemit-update-june-27th-2022-booming-support
AND THESE ARE SOME COMMUNITIES THAT HAVE ALREADY REGISTERED
The Steemit Philippines has already talked about this matter. Thank you for your reminder.