Announcing : Philippine Fifty-Word Story Writing Contest Challenge : Gumawa ng Sariling Kwento at Manalo! Proyektong Naglalayong Mapagyaman ang Wikang Filipino. 50 SBD ang naghihintay Sayo!

in #wikang-filipino7 years ago (edited)

Hello Steemit Community!

Ako'y lubos na nagagalak sa 40 entries na isinumite sa ating unang paligsahang naglalayong mapagyaman ang Wikang Filipino. Tunay ngang mayaman ang tulang Pilipino.

50 word story.jpg

Ang paligsahang ito ay nagnananayong ipakita ang talento ng mga Pilipino sa PAGGAWA NG KWENTO. Sa madaling salita, Short Story ang ating kategoryang gagamitin. Wikang tagalog parin ang linggwaheng gagamitin natin. Ito ay para makalahok ang lahat ng mga Pilipino.

GANTIMPALA

Winner : 20 SBD !!

1st runner-up : 15 SBD

2nd runner-up : 10 SBD

3rd runner-up : 5SBD


Anong Klaseng Paligsahan?

Ang paligsahang ito ay :

"FIFTY-WORD STORY WRITING CONTEST/Limampung Salitang-Kwento"

Gumawa ka ng kwento na may limampung salita. Orihinal mong katha ang dapat mong ilathala. Kung hindi, Automatic Disqualification ang magiging hatol sa iyo kaibigan.


Pagpapaliwanag sa Paligsahan

  • Gumawa ng limampung-salitang kwento. Kahit anong genre (Pag-ibig, Pagkakaibigan, Pamilya, Pagmamahal sa Bayan, atbp). Ang importante, ito ay sarili mong gawa at ang wikang gagamitin ay Tagalog/Filipino. Kahit malawak ang genre ng paligsahan, laging tandaan na Ang mas makabuluhang gawa ay nakapagbibigay ng mas mataas na tsansang manalo.
  • Ang TITLE ng iyong entry ay dapat magsimulasa : Philippine Fifty-Word Story Writing Contest, "Pamagat ng Kwento"..
    Halimbawa :

Philippine Fifty-Word Story Contest, "Si Malakas at si Maliit"

  • Pwede mong mapaganda ang iyong gawa, dahil isa rin ito sa pagbabasehan ng mga hurado.
    Maliban sa nilalaman ng tula o kanta, maaari kayong magrecord ng video ninyo habang kinakanta o binabalangkas ang iyong isinumiteng gawa. Maaari din kayong maglagay ng drawings, paintings, o kaya doodle art para mas makapagbigay kulay sa iyong gawa. Parte kasi ang Creativity sa basehan ng paghusga. Lahat ng iyan ay suhestiyon lamang at nasa iyo parin ang desisyon kung paano mo gagawin ang iyong gawa.

Mga Kailangang Gawin

  • I-upvote at I-resteem ang post na ito.
  • Ang pinakaunang tag (primary tag) na gagamitin mo ay #wikang-filipino na tag. Nasa iyong desisyon na ang natitirang apat na tag.
  • I-comment ang link ng iyong gawa sa post na ito. Nang sa gayon ay mailathala at makompirma namin ang iyong partisipasyon sa paligsahang ito.
  • Uulitin ko : Ang titulo ng iyong entry ay dapat magsimula ng "Philippine Fifty-Word Story Writing Contest, "Pamagat ng Kwento".
  • Ang deadline ng pagsusumite ng naturan paligsahan ay Sunday, September 17, 2017 , 11:59 p.m.

Paano Huhusgahan ang Mananalo

  • Ang Criteria of Juding ng paligsahang ito ay ang sumusunod

Kalidad ng Entry (70%) :

Ito'y tungkol sa kabuluhan/aral ng iyong kwento.

Ang Pagkulay sa iyong Gawa (Creativity of the Content) (30%) :

Ito'y tungkol sa kung paano mo binigyan ng kulay ang iyong gawa gaya ng pagrecord ng video, paggamit ng props, drawings, paintings, doodles, o kahit anong ginawa mong pagkulay sa entry mo.


Ang mga Hurado at ang Komputasyon

May POOL OF JUDGES ang aking inimbita sa paligsahang ito ng sa ganun ay maging TRANSPARENT at patas ang pagpili ng mapala na mananalo. Maraming salamat sa pagtanggap sa imbitasyon sa mga indibidwal na ito :

@luvabi, @allmonitors, @jassennessaj, at ang nanalo sa unang paligsahan @queenjventurer

Content Quality - Magbibigay ng score ang isang hurado Mula Isa hanggang Sampu. Isa ang pinakamababa.

Creativity of the Content - Magbibigay ng score ang isang hurado Mula Isa hanggang Sampu. Isa ang pinakamababa.

Rating ng Hurado = (0.70)x(Content Quality Score) + (0.30)x(Creativity of the Content Score)

Ex : Walo ng score ng hurado sa Content Quality at pito para sa Creativity of the Content

(0.70)x(8) + (0.30)x(7) = 5.6 + 2.1 = 7.7

Ang overall score ay ang kabuuan ng mga score ng mga hurado.


Aking i-aanunsiyo ang mga mapalad na mananalo isang linggo pagkatapos itong mailathala (Payout period)

Sumali sa discord channel para sa paligsahang ito kasabay ang pagsali sa STEEMIT PHILIPPINES discord channel.

https://discord.gg/phN8Frw

Lubos akong nagpapasalamat sa mga nagdonate para sa paligsahang ito : @donkeypong, @cloh76, @allmonitors, @erangvee

At kung nais ninyong sumuporta para sa pagpapatuloy ng paligsahan, pwede nyo akong macontact sa Steemit.chat/Discord at @jassennessaj. Malaking tulong ang iyong donasyon :)

Lubos naming ikagagalak ang iyong pagsali. Salamat, KABAYAN!

signature_1.gif

Sort:  

upvoted & resteem :)

hmmm 50 words...

Aasahan ko ang iyong entry, kabayan! :)

maganda to ^_^ salamat sa pagbubukas ng mga gantong patimpalak para maanyaya ang mga manunulat =)
UV'd & RS'd ;)

nice!!!!!!

Try kong sumali. Sige. Sana kayanin ng utak ko hahaha

sis, taralets sali tayo!!!

nagccompose na ako sis! mas nakakanosebleed pa to kesa sa english ahhaha

ayos to kabayan! kwento ni juan!

This post recieved an upvote from OPENBULL. If you would like to recieve upvotes from OPENBULL on all your posts, simply FOLLOW @openbull Please consider up-voting this comment as this project is supported only by your up-votes!

Weee natuwa naman ako 50 words... Ang sikip pero katuwaan lang!

This post recieved an upvote from OPENBULL. If you would like to recieve upvotes from OPENBULL on all your posts, simply FOLLOW @openbull Please consider up-voting this comment as this project is supported only by your up-votes!

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.13
JST 0.030
BTC 64724.35
ETH 3436.21
USDT 1.00
SBD 2.55