Burnsteem25 | Paglilinis Ko Sa Aming Bakuran Para Iwas Dengue

in SteemWomen Club2 years ago

Isang napakagandang araw at magandang buhay po sa inyong lahat.

Bago ko man simulan ang aking artikulo sa araw na ito. Nawa'y po nasa mabuti kayong kalagayan. At nais ko pong ibahagi sa inyo ngayong araw ang aking mga ginagawa.

Dahil day off ko ngayon sa trabaho kaya ay sinusulit ko ang aking oras para maglinis sa aming bakuran. At isinasa-ayos ang aking mga tanim na halaman sa bakuran.

3jpR3paJ37V8JxyWvtbhvcm5k3roJwHBR4WTALx7XaoRovdu8Cv4kersWf8KT5wVrgyg2Vtzw7gHbwqw9yD2Tfdm4sLokTzYTgrKp6DTaxpB1jPbw3inSS6xHXFKDdkJubjjC.jpeg

At dahil na-uuso rin ang dengue fever sa aming rehiyon kaya't kailangan talagang todo linis sa aming bakuran. At pati mga halaman na nakalagay sa paso ay kailangan sinusuri para hindi ito pinamumugaran ng mga lamok na maging sanhi ng dengue.

3jpR3paJ37V8JxyWvtbhvcm5k3roJwHBR4WTALx7XaoRovX4QnECYFuPtQJqwXw3NKuAPBUrdigNTRnK32UXApjrL3hwbAYKH1FHtwA8RYuYGKjyGE9r1aqXCQMj6ktnT6bpr.jpeg

Para iwas sa sakit na ito dahil napakahirap pag mayroong magkasakit sa miyembro ng pamilya. At higit sa lahat napakahirap maghanap ng pera para pangtustos sa gamot.

Dahil may apat akong mga anak kaya dapat todo linis sa aming bakuran. At ikumpuni ang sirang mga paso.

Kasi mahigit mga dalawang linggo na hindi ko na ito nabisita at nalilinis. Sanhi kasi ng napakaabala ko nitong mga nagdaang mga araw dahil sa pasok sa trabaho. Kaya ngayon nagawa ko na itong bisitahin at linisan.

3jpR3paJ37V8JxyWvtbhvcm5k3roJwHBR4WTALx7XaoRovRLdHB7eSmoFhXSPNjEcukWyXXVbqZPwY8XKsuKuTKDEyWobk9Amrfu36CXzZnmqth3VRRsh7B5hcssd8b1Uuj8S.jpeg

Pagkagising ko ngayong umaga ay agad akong naligo't nag-agahan. At pagkatapos naghanda na ako upang pumunta sa aming bakuran. At sa may kalayuan sa tapat ng aming bahay. Ay may mga tanim na gulay na gumagapang katulad ng ampalaya at kamote.

Sa katunayan, mahilig kasing magtanim ng ibat-ibang mga gulay ang aking asawa at medyo nahawa na rin akong magtanim ng halaman. Halos buong bakuran namin ay may tanim na mga gulay at ang pagiging abala ko nitong nagdaang mga araw. Kaya't hindi ko napansin na gumagapang na palang masyado ang mga gulay na ito.

3jpR3paJ37V8JxyWvtbhvcm5k3roJwHBR4WTALx7XaoRovZNB3fYd6rj7MFPqVRUxH2Qc7z63Z6BBuREgJ17P7TuhuWCfJN7m2bioimwCuMF9t9GpSkD66MFbL9gGFgu32Xjc.jpeg

Ang aking pagkahilig ay sa pagtatanim ng mga ornamental plants ay nakahiligan ko na noon pa. At ng mag-asawa na ako ay mas lalo pang naimpluwensyahan pa ako ng aking asawa sa pagtatanim ng gulay. Sobrang hilig kasi niyang magtanim ng mga gulay at dahil kasi probinsyano.

At pagkatapos kung maglinis sa aming munting halamang gulay. Sinunod kung inaayos at nilinis ang aking mga ornamental na halaman. Para maganda namang tingnan at ng di masyadong nagkakagulo. Ina-arrange kung mabuti para mabuti itong tingnan.

3jpR3paJ37V8JxyWvtbhvcm5k3roJwHBR4WTALx7XaoRovZGMBRCG39XZLDau1q8CmqToGRgBqzxdHCXgkdFwcLq6d4fqdzZBXzRtRbAm6oUDNCWL3xecaaTiEvGBuDpM5FhY.jpeg

Dahil medyo mainit na rin ang sikat ng araw kaya nagpasya na akong tapusin agad ang aking paglilinis. At ilang sandali ay nagpahinga na.

Hanggang dito na lang po at tatapusin ko na ang aking artikulo sa araw na ito. Maraming salamat po at magandang buhay po ulit.

At pinagpala ang may takot sa ating Diyos.

Lubos na gumagalang,

Chibas.arkanghil

Sort:  

Blooming marvelous!🌺 This deserved a resteem.

 2 years ago 

Thank you very much.

 2 years ago 

Maganda yan sis para safe kayo from dengue dyan

 2 years ago 

Salamat maam. Kasi marami akong mga anak at kailangan linisan ang aming bakuran dahil maraming tanim na nandun ang mga lamok.

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 67698.91
ETH 3266.83
USDT 1.00
SBD 2.64