Simpleng buhay / TULA by:@athenabree08

in #filipino-poetry8 years ago (edited)

Nais kong balikan ang kahapon
Isang payak ang pamumuhay noon
Doon sa aming nayon
Na malayong-malayo sa polusyon

Bahay kubo ang tirahan
Na napapalibutan ng mga halaman
Sariwang gulay at prutas sa kapaligiran
Akin itong kinagigiliwan

Mga huni ng ibon at insekto
Musika sa pandinig ko
Na sinasayawan naman ng mga puno
Sa ugoy ng hangin napakapresko

Sa malagong puno'y sumilong ako
Tinatanaw at ninanamnam ko
Ganda ng kalikasan parang paraiso
Biyayang handog ng Diyos sa tao

Sa simpleng buhay masaya na ako
Payapa at tahimik walang gulo
Kuntento at maligaya ang buhay ko
Sa tinitirhan kong bahay kubo.

7A3F74FA-FBE4-4337-8FAE-E285818A7EBA.jpeg
photosource

Sana'y nagustuhan niyo. Maraming salamat po.

@surpassinggoogle has been a great and amazing person please support him to vote as witness, simply visit https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" into the first search box for witnesses or simply click Here to do it on one click!

If you want me to make witness voting decisions on your behalf, simply visit https://steemit.com/~witnesses and type in "surpassinggoogle" in the second box for proxy.

Sort:  

Upvoted nice post , keep it up

thanks for posting steemitdavao tags,

Upvoted and resteem your beloved post.

From Your: Steemitdavao family
steemitdavao bot.png

Tara na sa probinsya at mamuhay ng payak at kaunti lamang ang problema.


Salamat sa paglikha ng akda sa Tagalog pagdamutan mo nalang ang aking munting upvote, resteem at pag feature sa iyong gawa sa aking arawang "curation"

Sulat ka pa ng mga Tagalog na likha! dadami din tayo dito sa Steemit.

Para makita pa ang ibang likha na tagalog maari mong tignan ang
Ikalawang Edisyon ni Tagalog Trail

Coin Marketplace

STEEM 0.04
TRX 0.32
JST 0.099
BTC 63933.57
ETH 1872.06
USDT 1.00
SBD 0.38